Goons Hailey POV Narito kami ngayon sa mansion kung saan nakatira si Tita Divine na kasalukuyang sinamahan ni daddy ayon na rin sa nais ni Mr. Nathaniel Montenegro. "Take a look, tita. She's so cute and beautiful. Kaya lang mukhang nahihiya siya sa inyo," umpisa ko. "Hello, little girl. George, don't you see? She looks like you, iyong magkabilang dimples niya. Lumalabas kahit hindi ngumingiti." Napasulyap ako kay daddy. Nakangiting nakatitig ito sa batang babaeng kasama ko. "Oo nga, no? Mukhang itinadhana ka nga rito, little girl." "Excuse me, ma'am. Nasa salas po si Mrs. Beauty Montenegro kasama si Ma'am Eunice," singit ng isang kawaksi. Nakaramdam ng saya ang aking puso nang marinig ang sinabi nito. "Really?!" Bulalas ko, nagkatinginan kami ni daddy. "Nakapagtataka, mabuti nama

