Truth Walang-awang tinulak ako ng isang lalaki papasok sa looban ng itim na van. "Tawagan ko lang saglit si madam." "Pakiusap, pakawalan niyo po ako." "Hindi ba't si Ma'am Eunice 'to?" "Tanga! Si Ms. Parojinog 'yan. Nakalimutan mo na bang pinalitan ni madam ang mukha niya'n, imbes na si Ma'am Eunice ang pahirapan, kundi ang babaeng ito na siyang sariling asawa ni Mr. Montenegro." Nagulat ako sa narinig sa mga ito. Pero nanatili akong walang-imik at hindi nagpahalata. Tiyak kong baka ano'ng gawin ng mga ito sa akin. Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang takot. Lalo na nang makita ang ilang baril na hawak ng mga ito. "Hoy, 'yang bibig mo!" Narinig kong saway nang isang lalaki. "Parang wala namang naririnig ang babaeng 'yan. Tingnan mo nga, tulala." "Sige na, batsi na tayo!"

