KABANATA 4
Lady
Alondra's POV.
Napabuntong hininga ako nang tumigil ang kotse ni Mayor sa Parking Lot ng isang sikat na Mall. Kanina, nung makaalis ang mga reporters ay bigla niya akong hinila sa kung saan. Akala ko kung saan kami pupunta, nagtungo kami sa kotse niya at saka dinala niya ako dito sa mall. Ni-hindi 'man 'lang siya nag-ayos ng sarili. He was wearing a white polo at itim na neck tie. Magulo narin ang buhok niya at medyo nagusot ang damit niya dahil siguro sa mga reporters kanina.
"What are we doing here?" Nagtataka kong tanong nang tanggalin niya ang kanyang seatbelt.
Hindi pa siya nakakasagot ay napag-pasyahan ko nading tanggalin ang aking seatbelt. Walang sabi-sabi'y dumeretsyo siya ng baba sa kotse at umikot para pag-buksan ako ng pinto. Bumaba narin ako at nagtataka ulit tumingin sakanya.
"Mayor, anong ginagawa natin dito?" Paguulit ko ng tanong.
Tumunog ang kotse nang may pinindot siyang kung ano sa hawak niyang susi bago bumaling sa akin. "You need to change your fashion style, Alondra." Seryoso niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. "Huh?"
Nag-tiim bagang siya bago nagsalita. "We'll buy your New Clothes." Aniya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto ko sanang magtanong pa kaso bigla namang hinila ni Mayor iyong kamay ko at naglakad kami papasok sa loob ng Mall. Hinayaan ko 'lang siyang hilahin ako, pero hindi ko parin maiwasang mapangiwi sa kawalan. Masyado kasi siyang mabilis maglakad at para bang hindi 'man 'lang niya iniisip na hila-hila niya ako!
Nang makapasok kami sa loob ng Mall ay pinagtinginan na agad kami. Actually, kay Mayor 'lang sila nakatingin. Para silang manghang-mangha sa nakikita at mayroon pang mga babaeng nagpipigil ng kilig. Nang mapansin kong napapatingin din sila sa akin ay napapayuko na 'lang ako. Nakakahiya!
Nang dumating kami sa Aming paroroonan ay mabilis kong inikot ang aking paningin. Nasa H&M store kami at ang daming magagandang damit dito. Hindi naman bago sa akin ang mga ganitong store, kung saan mayroong mga mahal na damit. Siguro ang bago 'lang sa akin ngayon ay mas natuto akong magtipid.
"Mayor, anong gagawin natin dito?" Mahina kong sabi. Nasa likod 'lang ako ni Mayor at hawak-hawak niya parin ang kamay ko.
Lumingon siya sa akin bago nagsalita. "Dito tayo bibili ng damit mo." Seryoso at Mahinahon niyang sabi. Hindi ko alam kung iyon na ba ang normal niyang boses pero masasabi kong ang sarap-sarap nun pakinggan.
Hindi na ako naka-angal pa sa sinabi niya dahil bigla na lamang may lumapit sa aming isang payat at may katangkarang babae na mukhang Sales Lady dito sa H&M. Maganda naman siya. Ngiting-ngiti niyang kinakausap si Mayor at hindi ko maiwasang isipin na nagpapa-cute siya.
"Hi Mayor, may I help you?" Base sa name plate niya, siya si Camille ang Manager ng H&M.
Tumango si Mayor bago nagsalita. "We'll buy clothes for her...." sabay turo niya sa akin. "Can you help her find nice dress, Camille?"
Napatingin sa akin ang sales lady at saka napatango. Ngumiti siya bago inuwestra ang daan papunta sa kung saan. Mukha naman mabait siya kasi nginingitian niya ako. Susunod sana ako sakanya kaso naalala kong hawak parin ni Mayor ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sakanya at saka sumenyas. Napakunot pa ang noo niya nung una pero nang mapagtanto ang gusto kong sabihin ay mabilis niya din naman akong binitawan. Tumikhim siya.
"Ma'am?" Bumaling ang atensyon ko sa Sales Lady at ngiting-ngiti siyang nakatingin sa akin.
Tumango ako at ngumiti narin pabalik bago naglakad palapit sakanya. Sinamahan ako ng Sales Lady na si Camille maghanap ng mga magagandang damit. Nakaupo 'lang si Mayor sa sofa at pinapanood kami. Nang magkasalubong ang aming tingin ay agad akong umiwas at tinuon na lamang ang buong atensyon sa paghahanap ng mga dress.
Maraming magagandang dress sa H&M. Halos lahat ng pipiliin kong magaganda ay inilalagay ni Camille dun sa basket na hawak ng isa pang Sales Lady na nakasunod sa amin. Medyo nakakailang kasi kailangan dalawa talaga ang sumunod sa akin? Pero hindi ko nalang pinansin iyon kahit na nakakailang, siguro ganun talaga sila sa mga costumers nila.
Or dahil 'lang nanadito si Mayor?
Let's All Admit. Gwapo si Mayor. Matangkad, hindi ganon kaputian pero ang lakas ng dating. He looks matured at mukhang stressed din paminsan-minsan sa trabaho niya pero nananatili parin roon ang ka-gwapuhan niyang taglay. Halos napapatingin nga sakanya ang ibang costumer dito sa H&M pati narin iyong mga Sales lady. He's effortlessly handsome.
Patuloy 'lang ako sa paghahanap at kung maaari'y pinipilit kong hindi tumingin o mapatingin 'man 'lang kay Mayor. Nakakailang kasi, e. At saka alam mo 'yon? Pabago-bago iyong mood niya at hindi ko siya madalas magets.
Kanina inaamin kong nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya kaya ako nag-walk out. akala ko kasi okay na ako sakanya pero mali, darating talaga sa point na yung akala mong bagay na hindi mangyayari ay mangyayari pala.
Pero hinabol naman niya ako, kaso hindi siya humingi ng sorry. Mukhang ganon na talaga ang ugali niya, masungit at suplado. At isa pang bagay, kanina nung hinahabol niya ako ay sinalubong siya ng mga reporters. Halos nakapaligid ang lahat sakanya habang siya naman ay pinipilit kumawala para habulin ako. Hindi ko alam kung bakit pero nung panahong iyon naramdaman kong may halaga pa pala ako sa mundo? May tao pa palang hahabol sa akin.
Akala ko kasi buong buhay ko ako 'lang ang maghahabol. Akala ko buong buhay ko tatanggapin ko na 'lang yung mga masasakit na salitang binabato sa akin. Akala ko nabuhay 'lang ako para ireject ng lahat ng tao.
Mabuti na 'lang nakilala ko si Mayor. I admit, madalas kaming hindi nagkakaintindihan at madalas akong naiinis sakanya dahil napaka-bipolar niya pero kahit na ganon ay siya 'lang itong taong humabol sa akin. Siya 'lang iyong taong pinigilan akong umalis.
That's Why Im so thankful and I will do anything para 'lang maipakita ko sakanya na ang laki ng pasasalamat ko. Gagawin ko ang lahat. Lahat.
"Ah, Ma'am pwede pong magtanong?" Napatingin ako kay Camille nang sabihin niya iyon. "Girlfriend po ba kayo ni Mayor?" Kuryos niyang sabi.
Namilog iyong mata ko at napaawang pa ang bibig ko sa gulat dahil sa tanong niya. Nakatingin 'lang siya ng seryoso sa akin at halata ang kuryosidad sa mga mata niya. Agad akong umiling ng paulit-ulit.
"No, Im his secretary. Bakit mo natanong?" Naiilang kong sabi.
Ngumiti at umiling siya. Halata ang pag-glow ng mukha niya na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
"Wala po, Ma'am." Aniya.
Palihim akong napangiwi. Crush niya ba si Mayor? Halata kasi iyon sa reaksyon niya. At saka kanina nung sinalubong niya kami ay grabe siya kung makangiti. Gwapo naman si Mayor pero kasi suplado kaya bakit kaya ang daming nagkakagusto sakanya?
Ganon ba talaga ang mga tao? Naiinlove dahil sa hitsura? Ako kasi naniniwala ako dun sa ideyang hindi tayo dapat mainlove sa panlabas na kaanyuan kundi dapat ay mainlove tayo sa kabutihan ng loob. Hindi naman sa sinasabi kong hindi mabuti ang loob ni Mayor. he's mediocre.
Masungit at Suplado siya pero mayroon naman siyang kabutihan. Kabutihan na hindi nakikita ng iba, pero mararamdaman mo naman iyon. Depende na 'lang kung sa anong uri ka ng tao.
May mga tao kasing ang nakikita 'lang nila ay kasamaan ng isang tao, yung tipong kahit mabuti naman ito ay hindi nila iyon nakikita dahil puro nega 'lang ang iniisip nila.
May tao din namang nakikita nila ang kasamaan ng isang tao pero sa maliit na bagay ay mararamdaman nila ang kabutihan nito. Yung tipong kahit hindi niya ipinapakitang mabuti siyang tao pero nararamdaman mo naman iyon sa puso mo.
Inaamin ko, hindi ko pa ganon kakilala si Mayor dahil ilang araw pa 'lang naman kaming nagkakasama sa trabaho, pero siya kasi yung tipo ng taong masungit at suplado sa harap ng iba pero kapag mag-isa 'lang siya ay napaka-tahimik niya at para bang sobrang lalim ng iniisip niya.
May mga ganon talagang tao. Hindi 'lang siya kundi marami pang tao. They always pretend na okay 'lang sila infront of everybody pero kapag sila na 'lang mag isa ay dun 'lang lumalabas ang kahinaan ng loob nila. Yung tipong masama ang ugali nila sa ibang tao pero kapag sila na 'lang mag-isa ay para silang asong sobrang amo.
Ilang beses na akong naka-encounter ng ganoong klaseng tao, hindi lang ibang tao, maski sarili ko ay inaamin kong ganon. I always pretend like everything is fine, kahit na ang totoo ay durog na durog na ako at pinipilit ko 'lang bumangon.
Napabuntong hininga ako sa kawalan. Patuloy 'lang ako sa paghahanap ng damit nang bigla kong narinig ang boses ng isang babae.
"Ikaw talaga, Mayor!" Maarteng boses ng babae ang narinig ko. Para siyang nagpapabebe na hindi ko maintindihan.
Bahagya akong napatingin kay Camille at nakita kong nakatingin siya sa kung saan at nang napatingin narin ako roon ay nakita ko si Mayor na nakikipag-usap sa isang babaeng nakasuot ng maikling dress. Nakaupo pa siya sa lap ni Mayor at nakikipag-bulungan habang nagtatawanan. Seriously?
Napangiwi ako sa kawalan.
"She's pretty." Napatingin ako kay Camille na nakanguso habang nakatingin kila Mayor.
Napangiwi ako nang mapagtanto ang sinabi niya. "Is She?" Napa-ismid ako sa kawalan bago siya napatingin sa akin. Muli siyang ngumuso na para bang nalulungkot siya. Nagseselos ba siya?
"Mayor Likes Beautiful Girls at nakukuha niya din ang mga 'to 'noh."
Napakunot ang noo ko.
"Are you asking or stating the fact?" I raised my brow. "Ofcourse, look at him..." napatingin kami ng sabay kay Mayor. "He Has Everything...that's why." sabi ko.
Tuloy paring nakikipag-bulungan si Mayor dun sa babae na bumubungisngis at para bang kinikilig na hindi ko maintindihan. Kulang na 'lang ay maglampungan sila dito sa mismong H&M. Ugh. Get a Room!
Habang nakatingin ako kay Mayor at naka-ngiwi ay bigla na lamang siyang napatingin sa aming direksyon kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Naka-ngiti siya pero nang makita akong nakatingin ay unti-unti ding nawala ang ngiting iyon. Napasinghap ako sa kawalan bago muling bumaling kay Camille.
"Hmmm, Im done. This is Enough." Sabi ko habang tinuturo sakanya iyong mga damit na pinili ko. Nakalagay 'lang iyon sa basket na hawak nung isa pang Sales Lady.
"Hindi mo 'man 'lang ba susukatin, Ma'am?" Nagtataka niyang tanong.
Umiling ako at ngumiti. Hindi na ako nagsalita at napatingin na lamang sa direksyon nila Mayor at nung babaeng kasama niya parin hanggang ngayon. Inayos na nila Camille iyong mga damit na pinili ko at umalis muna saglit habang ako ay naglakad papunta kila Mayor. Bawat hakbang ko ay pinapakita ko sakanya, nagbabaka-sakaling tumigil na siya sa pakikipag-harutan sa kausap niyang babae.
"Mayor...." mahinahon kong sabi na siya namang nagpatigil sa kanilang dalawa. Sabay silang napatingin sa akin habang naka-ngiti pa iyong babae at halatang kilig na kilig sakanya.
Mayor looked at me seriously. Ngayon ko 'lang napagtanto na itim na itim pala iyong mga mata niya. At kahit na malayo ay sobrang ganda nito at bagay na bagay iyon sa gwapo niyang mukha. He looks matured and hot!
"Alondra! What?"
I blinked once..twice.
Halos mapatalon ako sa mahinahon ngunit matigas na boses ni Mayor nang tawagin niya ako. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sakanya ng ilang segundo. Erase! Erase! Ano ba naman itong mga naisip ko? Hays! Im Just Being honest, gwapo naman talaga si Mayor Diba?
I shook my head before utter a words. "Ahmmm--tapos na akong mamili ng damit, Mayor." Sabi ko at napakamot pa sa aking batok.
Kinunotan niya 'lang ako noo bago bumaling sa babaeng kaharutan niya. Napansin kong nakatingin ng masama iyong babae sakin pero nang kausapin ulit siya ni Mayor ay nalipat din naman ang tingin niya.
"Baby, I think you need to go..." panimula ni Mayor. "Let's just see each other later night, can we?" Nanliit ang mata ko habang patagong nakikinig sa usapan nila.
"Oh, sure Baby." Malambot na sabi nung babae bago tumayo. Ngayon ko 'lang napagtantong medyo payat siya. Maputi at pwede narin. Mayor likes sexy girls at kung manamit ay parang kinulang sila sa tela. "See you later, then?" Nakangiting sabi nung babae habang nakatingin kay Mayor.
Tumango naman si Mayor at ngumiti bilang sagot.
Nang mapatingin ako sa babae ay naka-angat na iyong gilid ng labi niya. Bago pa siya umalis ay napatingin muna siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang siyang tumingin sa akin ng masama. She rolled her eyes bago naglakad paalis.
Patago akong Napangiwi. Ganda ka? Hindi! Sexy ka 'lang!
Hindi ako yung tipo ng taong mabilis mairita pero sino ba naman kasi ang hindi maiinis diba? Tinarayan niya ba ako? Why? Because I interrupted her and Mayor? Kasi hindi natuloy iyong landian nila? They will see each other later naman, ah? But wait? Ano ba ito? Why Am I being sensitive? Ugh!
Habang nag-iisip ng kung ano-ano ay naramdaman ko ang pagtayo ni Mayor mula sa sofa. Tumingin siya ng deretsyo sa akin at nang mapagtanto ko iyon ay dahan-dahan narin akong napatingin sakanya.
He was looking at me deeply. Malalim at seryoso. Hindi na ako magtataka, heto talaga ang normal na tingin at emosyon niya. Nagbabago 'lang ata ang emosyon niya kapag may magandang babae siyang nakikita. Syempre, boys will always be boys.
"Are you done?" Seryosong boses ang gamit niya. Tumango naman ako bilang sagot. "Let's pay for it." Sabi niya bago naglakad papunta sa counter.
Napanguso ako sa kawalan at ilang segundo muna ang tinagal bago ko napag-pasyahang sumunod narin sakanya. Kakalapit ko pa 'lang sakanya nang magsalita na agad siya.
"This is it? Heto 'lang?" Nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa mga pinili kong damit. Naglakad ako papunta sa gilid niya at napatingin narin sa mga binili ko.
Magaganda naman iyong mga damit. Magaling naman akong pumili at hindi naman sa akin bago ang pagsuot ng mga damit na nakikita kong suot ng mga babaeng hinaharot niya. It's all fitted and above the knee dresses. Anong mali?
"I told you to pick dresses. Madami!" Inis na saad ni Mayor at saka napatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko. Iyon ang problema niya? Kaunti 'lang kasi ang pinili kong damit, mahal kasi at saka kailangan kong magtipid at hindi ang mag waldas ng pera! Gaano ba karami iyong gusto niya?
"Tama na ang mga iyan, Mayor. Wala akong pera!" I gritted my teeth.
Pinanliitan naman niya ako ng mata. Hindi ko alam kung may masama ba akong nagawa o ano. Tama naman ako diba? Kailangan kong magtipid! Okay, I admit. Im a brat when I was a kid. Lahat ng gusto ko nabibili ko, kahit magkano. Pero Iba na ngayon! Im living on my own, kailangan kong magtipid at mag-ipon!
"Ako naman ang magbabayad, Alondra." Matigas niya ring sabi. Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng sales lady na nasa cashier pati narin ni Camille na nakatayo sa likod ng cashier lady. Gusto ko sanang umapela sa sinabi ni Mayor kaso bigla naman niya akong inunahan, kaya hindi na naman ako nakapag-salita.
"Camille?" Nanatili ang tingin sa akin ni Mayor Alarcon.
"Yes, Mayor?"
"Can you get some dresses again? Marami and I'll pay for it." Sabi ni Mayor at saka napatingin narin sa Manager. Agad namang tumango si Camille at saka kumuha na ng mga damit kasama iyong ibang Sales Lady. Magsasalita sana ako kaso napansin ata iyon ni Mayor dahil muli siyang napatingin sa akin bago nagsalita. "Wag ka ng umangal. Ako ang Boss mo, Ako ang masusunod." Sabi niya atsaka kinuha iyong wallet niya at namili ng credit card.
Napangiwi na lamang ako sa kawalan at saka napairap bago naglakad papunta sa Sofa at umupo. Pinanood ko iyong mga Sales Lady na kumukuha ng mga magagandang damit. Hindi ko maiwasang maalala kung ano ako dati, at kung ano akong klaseng tao. Im just like Mayor..
------
Mayor Alarcon's
Matapos naming bumili ng mga damit ni Alondra ay dumeretsyo na kami sa Parking Lot kung saan naka-park iyong kotse ko. Kanina ko pa napapansin si Alondra na hindi mapakali at para bang may malalim na iniisip. May mga hawak siyang paper bags at tinutulungan niya iyong mga Sales Boy na tumulong sa amin. Kanina ko pa napapansing parang hindi niya gusto ang mga damit na binili namin. Hindi ko alam kung bakit.
Everybody Likes to go shopping. Lalo na ang mga babae. Gusto nila ay magwaldas ng pera at bumili ng damit, make ups, pagkain at kung ano-ano pang gastos ang ginagawa nila. But this Girl, Alondra? Hindi siya mapakali dahil gumastos ako ng malaki para sakanya. She's different, hindi ko maipaliwanag.
Binuksan ko iyong luggage area ng aking Aking Kotse at saka ko sinenyasan ang mga Sales Boy na ilagay roon ang mga binili namin.
"Ah, Ma'am tulungan ko na po kayo." Narinig kong sabi ng isang sales boy at saka lumapit kay Alondra.
Umiling naman si Alondra, "Hindi na. I can handle this." Nakita ko na naman ang friendly niyang mukha. She's really friendly, at minsan hindi ako natutuwa sa ganoon niyang ugali. Nababaliw na ata ako?
"Ma'am, hindi po pwedeng mapagod ang Pinakamaganda naming costumer." Napakunot ang noo ko nang sabihin iyon ng Lalaki.
Napatawa naman si Alondra ng bahagya at saka napailing. Mukha namang gusto niya iyong sinasabi ng mga lalaki, kunwari pa siya. Hindi ko alam kung bakit pero ang bilis kong mairita sa mga maliliit na bagay this past few days. Lalo na kapag nandiyan si Alondra, naiinis ako na hindi ko maintindihan. Is it because of stressed? Siguro nga stressed 'lang ako.
"Bye, Mayor, Bye Ma'am. Salamat po!" Pagpapaalam ng mga tumulong sa aming sales boy.
Ngumiti naman si Alondra at kumaway pa. Napailing ako sa kawalan at saka nagtiim bagang. Nang makaalis ang mga sales boy at nakapasok na si Alondra ay pinaandar ko na agad ang kotse paalis.
Deretsyo 'lang ang tingin ko sa daan habang si Alondra naman ay nakatulala at nakatingin sa labas ng bintana. Ilang minuto 'lang ang lumipas ay doon ko na naisipang magsalita.
"Why are you so friendly?" Tanong ko sa kawalan habang nagda-drive. Unti-unting napatingin sa akin si Alondra at mukhang iniisip niya pa kung siya ba iyong kausap ko o ano. "Im talking to you." Saglit akong napatingin sakanya. Napakunot naman ang noo niya.
"What do you mean Im friendly?" Nagtataka niyang tanong. Hindi ako sumagot at hinayaan ko 'lang siyang intindihin ang aking sinabi. "Yung kanina ba? Nagpasalamat 'lang naman ako, ah? Wala naman akong nakikitang mali 'don." Giit niya.
Napabuntong hininga ako. Tama naman siya. Wala ngang mali roon, pero bakit ako naiinis?
Napa-igting na 'lang ako ng bagang bago nagsalita. "You should stop interracting with other people. You're now a First Lady, piliin mo yung taong ka-level mo." Seryoso kong saad habang nagmamaneho.
Dumeretsyo ako ng daan imbes na kaliwa dapat dahil papunta iyon sa Munisipyo. Napag-isip isip ko 'lang na stressed na ako masyado, kailangan kong magpasarap. Mukha namang hindi iyon napansin ni Alondra dahil nanatili 'lang siya sa pinag-uusapan namin.
"First Lady? Totoo iyong sinabi mo kanina, Mayor?" Hindi niya pa makapaniwalang sabi. Hindi ko naipaliwanag sakanya ang sinabi ko sa harap ng mga reporter kanina kaya siguro naguguluhan parin siya.
"Totoo iyon. You're now a First Lady. My First Lady." Saglit akong napatingin sakanya at nakita kong hindi parin siya makapaniwala.
"Bakit ako?" Tanong niya pa nang ibalik ko ang atensyon ko sa daan.
Napabuntong hininga ako. Because you're special? Kasi noong nakilala kita ay may iba akong naramdaman? It feels like I know you for so long. Hindi ko maipaliwanag. Pero imbes na sabihin ang mga bagay na iyon ay iba ang sinabi ko.
"Kung ako ang masusunod, ayoko. Let's be honest, there's someone else that is prettier and sexier than you. Pero gaya mo wala din atang taste iyong mga ka-partida ko kaya ikaw ang pinili nila."
Ramdam ko ang pagtingin nang masama ni Alondra sa akin, pero imbes na sumagot ay napasandal na 'lang siya sa kanyang inuupuan at saka napairap bago napatingon sa labas ng bintana. Ilang segundo pa ang lumipas nang muli siyang magsalita, mukhang napagtanto na niyang iba ang dinadaanan namin.
"Mayor, saan tayo pupunta?"
Sakto namang dumating na kami sa aming paroroonan nang magsalita siya. Tinigil ko ang aking kotse sa parking area at nang maka-park na ako ng maayos ay bumaling ako sa nagtatakang si Alondra.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Para siyang kinakabahan at mukhang hindi niya alam ang lugar na ito. Napangisi ako sa kawalan dahil sa tingin ko ay magiging masaya ito.
"We'll just going to have some fun.." I winked at her bago bumaba na ng kotse.