KABANATA 3

3935 Words
KABANATA 3 First Lady Maaga pa 'lang ay umuwi na ako sa bahay, matapos ang meeting ko kay Mr Chua at Mr. Roa na nakipag-deal sa akin para sa ipo-publish nilang mga libro. Parehas kasi silang may ari ng maliit na publishing company, at gusto nilang makipagsosyo sa amin. Magandang alok iyon kaya tinanggap ko. I'm not handling our business, I just help my Dad. Itinigil ko ang kotse sa harap ng gate ng aking Mansion. Napailing ako nang pumasok na naman sa utak ko ang napag-usapang meeting tungkol sa First Lady. "I know Zane. But, Damn! I can't believe them!" Inis kong saad sa taong kausap ko sa kabilang linya. Zane is my Brother, Sumunod sa akin, at bunso naman ay babae. He's 21 at halos kasing edad niya 'lang si Alondra, but he's still in college. Oh! I didn't thought about that! Nag-college ba si Alondra? "Kuya, bakit? Hindi ba siya maganda?" Nagtatakang tanong ni Zane. At rinig na rinig ko ang tunog ng musika sa lugar kung nasaan siya. Nung tumawag ako ay nasa loob siya ng Bar, pero agad din namang lumabas para marinig ako. Agad akong Napa-isip sa tanong ng aking kapatid. Alondra has this white skin. Makinis siya. Matangos ang Ilong, mapupula ang labi at mayroong magagandang mga mata. Maganda. Hindi naman siya mataba, hindi din payat. Iyong sakto 'lang. She's sexy, actually.....but wait! Paano ko naisip ang lahat ng iyon? Hindi ko alam na nagawa ko pala siyang ieksamina.... "Kuya Arch?" rinig kong sabi ng kapatid ko, kaya bumalik ako sa aking wisyo. "Ah, Yes?" Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Zane. "Hindi sigurado?" I licked my lower lip bago napaisip, "No. That's not what I meant." "So maganda nga?" I heard his smile on his words. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa panunuyang tono ng aking kapatid. He knows me very well. I like Girls .Pretty Girls. Alondra is Beautiful but... I clenched my jaw, "Whatever. Bumalik ka na 'lang sa Loob ng Bar." Seryoso kong sabi at ibababa na sana ang aking cellphone pero agad din naman siyang nagsalita. "Are you sure?" Naroon parin ang panunuya niya. "f**k you!" Inis kong saad at pinutol na ang linya. My Brother is so annoying. Pero hindi na ako magtataka, kanino pa ba magma-mana? Simula noong namatay si Mommy ay ako na ang nag-alaga sakanila. Hindi na ako magtataka kung nahawaan siya ng kakulitan ko. I admit, pasaway talaga ako noon.......MAS lalo naman ngayon. Bago ako natulog ay tinapos ko muna iyong trabaho ko sa Munisipyo na dinala ko dito sa bahay. Medyo marami-rami rin iyon kaya halos alas-dyis na ako nakatulog. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarma ng aking orasan. Mabilis akong naligo at pagkatapos ay naghanap ng maayos na damit. Nagsuot ako ng puting polo, slocks at nagsuot din ako ng rolex na relo at saka brown leather shoes. Nakasabit sa kamay ang manipis at itim kong coat nang lumabas ako sa kwarto at bumaba ako sa hagdan. Naabutan ko si Manang na naghahanda ng pagkain sa hapag. Ngumiti siya sa akin nang makita ako. "Hijo, halika't mag-almusal ka na." Agad akong umiling. "Hindi na po, Manang. Papasok na po ako." Nawala ang ngiti sa kanyang labi at nalungkot ang kanyang mata. Hindi pa siya nagsasalita ay parang alam ko na agad ang nasa isip niya. Naiisip na naman niya siguro si Mommy. Hindi kasi iyon papayag na pumasok akong walang laman ang tiyan, pero ngayong wala na siya ay wala na akong dahilan para kumain pa. "Papasok ka ng walang laman ang tiyan?" Sabi niya habang nakatingin sa akin ng deretsyo. Seryoso akong tumango, "Im not yet Hungry. Sa Opisina na 'lang po ako kakain, Manang." Sabi ko para tumigil na siya. at saka nag-lakad na palabas ng Mansion. Dumeretsyo ako ng labas ng Gate at saka sumakay sa aking sasakyan. Hindi ko naabutan sila Fernan, at mukhang hindi pa nakakadating. Inandar ko na lamang ang kotse at dumeretsyo palabas ng village. Sakto namang nakasalubong ko ang Van ng aking mga gwardiya na mukhang kakadating pa 'lang. halos mapahinto sila nang makita ang kotse ko na palabas na. Napailing na 'lang ako bago Ko binuksan ang LCD Monitor na naka-konekta sa aking cellphone at saka tinawagan ang aking mga Gwardiya. "Sa Munisipyo tayo." "Okay po, Mayor." Agad ko din namang pinutol ang linya nang marinig ang sagot nila. Malapit-lapit 'lang naman ang Munisipyo sa Village namin kaya agad din akong nakadating, kasunod ang aking mga body guards. Inihinto ko ang kotse sa parking area at agad na lumabas habang hawak-hawak ang aking coat at susi. Bumaba narin sa Van sina Fernan at ang iba kong body guards at saka sila lumapit sa akin. Hindi pa sila nakaka-lapit ay inihagis ko na kay Fernan ang susi ng aking kotse at nauna ng maglakad. Papasok pa 'lang ako ng Munisipyo ay sinusuot ko na ang aking coat, para pagharap sa akin ng mga Empleyado ay desente ako. Gaya ng araw-araw na nangyayari, bumabati ang lahat ng nagta-trabaho sa Munisipyo sa tuwing nadadaanan ko sila, habang ako naman ay hindi bumabati pabalik. Sanay narin naman sila sa Ugali kong iyon. Kahit ako ang Mayor, madalas akong seryoso. Hindi kasi ako katulad ng ibang taga-pulitika na akala mo anghel sa sobrang bait, pero kapag nakatalikod naman ang lahat ng tao ay mala-demoyo ang ginagawa nila. Ako? Nakaharap 'man o nakatalikod, totoong Archie Alarcon parin ang ipinapakita ko. Wala akong oras makipag-plastikan para makakuha ng simpatiya ng mga tao. Mamahalin parin nila ako, kahit na ako ito, ang malupit na Si Archie Alarcon. Napakunot ang noo ko nang buksan ko ang pinto. nang makadating ako sa aking opisina ay naabutan ko si Alondra na nag-aayos ng mga papel sa ibabaw ng aking Desk. Nag-angat siya ng tingin at napa-ngiti nang makita ako. "Goodmorning, Mayor." Bati niya. She was wearing her normal fashion-style. A white polo and a black fitted skirt below the knee. Naka-flat shoes siya ngayon at nakatali din ang kanyang buhok. Walang kaayos-ayos ang mukha niya maliban sa lip gloss. Simpleng-simple.....hindi pasok sa First Lady. Imbes na bumati pabalik ay wala akong ibang ginawa kundi ang snobbin 'lang siya at maglakad ng deretsyo papunta sa aking swivel chair. Tinanggal ko ang coat ko at sinabit sa likod ng swivel chair bago umupo. Tumayo 'lang siya sa gilid ko na para bang naghihintay ng iuutos ko. "Kuha mo ako ng Kape." Utos ko at agad din naman siyang tumango at sumunod sa akin. Binuklat ko iyong mga papeles na nasa harap ko habang hinihintay ang pinakuha kong kape. Puro tungkol 'lang naman ang lahat ng ito sa Campaign at sa mga ka-partida ko. Mayroon naring ipinadalang mensahe ang campaign manager na agad ko mamang binasa. Binuksan ko iyong case ng salamin ko na nasa drawer ng aking lamesa atsaka ko iyon sinuot bago nagsimulang magbasa. To Mayor Alarcon, Our beloved Mayor Archie Alarcon. We want to inform you about your campaign next month. Our Campaign Members decided to look for your First Lady. The Governors offered some help, and we're still waiting for your answer. We need your answer asap. From,  Campaign Manager. Nagtiim bagang ako matapos mabasa ang mensaheng pinadala ng Campaign Manager ko. Sila pala ang nag-isip ng First Lady na iyon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila naisip ang ganoong bagay. Hindi ko naman kailangan ng ganon, kaya ko namang mag-isa. Sanay naman akong mag-isa. Ilang minuto pa 'lang ang lumilipas nang biglang dumating si Alondra bitbit ang kapeng pinakuha ko. Hindi naman talaga ako umiinom ng kape, pinakuha ko 'lang siya para naman may maiutos ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makapag-isip ng tama kapag nandiyan siya sa tabi ko. There must be something wrong about this girl? O ako ang may problema? "Heto na po ang Kape niyo, Mayor." Sabi ni Alondra at saka ibinaba ang kape sa aking lamesa. Binaba ko ang hawak kong papel at nag-angat ng tingin sakanya. Hindi ko alam kung anong meron sa mukha ko pero bigla na 'lang siyang napatigil. Namilog ang mata niya at halos malaglag ang panga niya habang nakatingin sa akin. "What?" Nagtataka kong tanong nang mapansin ang pagtitig niya. Para siyang nakakita ng Artista at na-starstruck. Napalabi siya at saka napailing. "W-wala po. Cute mo po." Narinig kong bumulong siya pero hindi ko narinig kung ano ang sinabi niya. Siguro, panlalait. Napasinghap ako bago tinuon ang atensyon sa iba. Ilang minuto pa 'lang ang lumipas ay bigla na ulit nagsalita si Alondra. "Ah, Mayor hindi niyo po ba iinumin ang kape niyo?" Nagtataka niyang tanong nang mapansing hindi ko pa nababawasan iyong kapeng tinimpla niya. Hindi ako umiinom ng kape. Umiinom naman, noon. Hindi 'lang talaga ako tumitikim ng ibang timpla dahil may timpla akong hinahanap-hanap. Yung timplang gustong-gusto ng panlasa ko, pero alam kong kahit kailan ay hindi ko na matitikman. Kasi wala na yung taong gumagawa 'non para sa akin, iniwan na ako. Hindi ako sumagot at nanatili 'lang ang diretsyong tingin. Ramdam ko ang pagkunot ng noo niya bago nagsalita. "Mayor, ayaw niyo po ba? Baka po lumamig 'yan kapag hindi niyo pa po ininom." Sabi ni Alondra. Hindi ulit ako nagsalita. "Mayor, masarap po 'yan. Tikman niyo po, promise--" dahil sa inis ko sa pagdadaldal niya ay wala na akong nagawa kundi ang tumango. para tumahimik na itong maingay kong Sekretarya. Kaunti 'lang ang iinumin ko. Kaunti 'lang! "Oo na, iinumin ko na! Just Shut up, Okay?" Inis kong saad. Halatang nagulat siya at halos mapatalon pa dahil sa lakas ng boses ko. Tiningnan ko siya ng masama bago ko kinuha iyong mug tapos uminom ng isang beses....dalawa...tatlo..teka? Pamilyar ang lasa ng kapeng ito, ah? Uminom ulit ako ng kaunti para makasigurado sa lasa. Halos matigilan ako at mabitawan ko iyong kape nang makasigurado. Oo nga! Parehas na parehas ang lasa nung timplang kape na paborito ko, at saka itong timpla ni Alondra. P-paano? "Ah, baka napadami po ako ng asukal. Sorry Mayor, gawa na 'lang ulit ako." Kinuha ni Alondra iyong Mug at lalabas na sana ng aking Opisina pero bigla ko siyang pinigilan. "No, no, no!" Napatigil siya at bahagyang lumingon sa akin. "I'll drink it." Sabi ko. Hindi ko alam kung namamalik mata 'lang ba ako o ano pero napansin kong nagkaroon ng kurba iyong labi niya na para bang isang ngiti. Naglakad siya palapit sa akin. Ipinatong niya ulit iyong kape sa ibabaw ng aking mesa at agad ko iyong kinuha upang uminom muli. Dammit! Bakit parehas na parehas sila ng timpla? Saan niya iyon natutunan? Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa kape kaso hindi ko na ginawa. Ibang topic na lamang ang tinalakay naming dalawa. Tungkol sa buhay niya. "Nakapag-tapos ka ba ng kolehiyo?" Umiinom ako ng kape habang nakatingin sakanya. Napayuko siya matapos marinig ang aking tanong. Kagabi ko 'lang narealized na dapat ay tinanong ko na ito sakanya noong interview pa 'lang. gusto ko kasing malaman kung nakatapos siya ng kolehiyo dahil isa iyon sa mga requirements para maging isang Sekretarya ng Mayor. She's 21 years old at halos kasing edad niya 'lang si Zane na nag-aaral parin sa college. Parang masyado atang maaga na nagta-trabaho na agad siya? "H-hindi po. Hanggang 2nd year college lamang ang natapos ko." Nahihiya niyang sabi habang nakayuko. Napakunot ang noo ko. 2nd year college 'lang ang natapos niya? Bakit? Kinapos ba talaga siya sa pera kaya hindi siya nakapag-patuloy ng pag-aaral? Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maiwasang maawa sakanya. Kawawa kasi iyong mga taong ganon. Kailangan nilang huminto sa pag aaral at magtrabaho na lamang para maka-survive. That's sucks. Can we just live our life instead of surviving? Para kasing ang purpose 'lang natin dito sa mundo ay maka-survive sa mga problema. Hindi ba pwedeng mamuhay na 'lang tayo ng walang ibang iniisip kundi ang sarili 'lang natin? Yung walang problema at wala tayong pake sa ibang tao? Muli akong uminom sa kape bago ko iyon ibinaba sa ibabaw ng aking mesa. "Hindi ka naka-tapos ng college pero nakakayanan mong magtrabaho bilang aking sekretarya? Mahirap ang trabahong ito para sa isang tulad mo na hindi nakatapos ng kolehiyo. I think you should find another job." Inalis ko ang tingin ko sakanya matapos magsalita ng seryoso, tapos Kinuha ko ulit ang mug atsaka muling uminom sa kape. "I've done that, actually. Nag-apply na ako ng ibat-ibang trabaho, pero ikaw 'lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang ako napatigil. Hawak-hawak ko ang mug at nakatingin sa ibang direksyon nang sabihin niya iyon. Nag-igting ako ng panga bago nag-angat ng tingin sakanya. "What do you mean?" I asked, curious. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Nag-apply na ako sa ibat-ibang trabaho, like teacher, supervisor, chef, cashier girl, at kung ano-ano pa kaso sabi nila baka hindi daw kaya ng utak ko, So I decided to look for another job which is janitress, maid, baby sitter, at waitress sa club, kaso imbes na trabaho ang ibinigay nila sa akin muntik pa nila akong pagsamantalahan." Her voiced was cracked and tears started to fell down on her cheeks as she said those words. Natigil ako. My Heart almost cried because of an unknown feelings. Hindi ko inakalang ganon pala ang mga pinag-daanan niya. Hindi ko inakalang madami na pala siyang pinagdaanan bago ko siya matanggap dito sa aking Opisina. "And Then Someone offered me to Try and Apply this position. Sabi niya applicable daw sa akin itong posisyon, hindi ko alam kung bakit....but I took the risk. Kahit alam kong hindi ako nakatapos ng kolehiyo sinubukan ko paring mag-apply, at hindi ko akalaing matatanggap ako..." Nakita ko ang ngiti niyang punong-puno ng saya pero may sakit din. "But I know, someday you'll doubt my potentials, and It's Okay. You're right, anyway. I should find another job that is really suitable for my tiny brain. Everybody thinks I don't have abilities, at hindi ko sila masisisi." Muli siyang ngumiti habang tuloy-tuloy ang tulo ng kanyang Luha. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganitong awa sakanya. Para akong baliw na dalang-dala sa mga sinasabi niya. Those eyes. Those hazel brown eyes! Pamilyar sa akin ang mga matang iyon. Ang magagandang matang iyon. Dammit! Bakit parang nasasaktan ako ngayong nakikita kong umiiyak siya? s**t, Archie! "Thank you..." napakunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. "Thank you for giving me a chance to be your Secretary even in just a short period of time........Thank you, Archie. I'll pay for everything, when I found another job." Matapos niya iyong sabihin ay nakita ko pang pinunasan niya ang luha sa kanyang mukha bago naglakad paalis ng aking Opisina. Hindi ako agad nakapag-salita. Naiwan akong tulala at ilang minuto bago nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya Did I say something wrong? Nasaktan ba siya 'dun sa sinabi ko na dapat na siyang maghanap ng ibang trabaho, kasi hindi siya suitable sa Posiyon ng aking Sekretarya? Ofcourse! Sinong hindi masasaktan? Bobo mo Archie! Bobo mo talaga! Hindi ko alam kung bakit pero noong una ay nagdalawang isip muna ako kung hahabulin ko ba siya o hindi. Hindi pa ako nakakapili pero kusa ng tumayo ang aking mga paa at tumakbo na ako palabas ng aking Opisina. Naabutan ko sila Fernan na nakaupo sa labas ng aking Opisina, agad silang napatayo nang makitang lumabas ako. "Mayor, bakit po?" Nagtatakang sabi ni Fernan. Luminga muna ako sa paligid bago nagsalita, "Where's Alondra?" Nagkatinginan ang iba kong gwardiya at para bang nagtataka. Syempre, sanay silang sa tuwing pinapatalsik ko ang aking mga naging Sekretarya ay parang wala akong pake sa nararamadaman nila, pero ngayon hinahabol ko ang isa sakanila? Seriously? "Mayor, tumakbo po paalis. Umiiyak." Sabi ni Brandon. Hindi na ako naghintay pa ng sasabihin nila, mabilis na lamang akong tumakbo at nagtungo sa Elevator. Hahabol sana sila Fernan pero nagsara na ang elevator. Pagkalabas ko pa 'lang sa First floor ay agad na akong tumakbo at luminga-linga sa paligid. Napakunot ang noo ko nang matanaw si Alondra na nakaupo sa hagdan, sa labas ng Munisipyo. Umiiyak siya. Ilang segundo ang tinagal ng pagtitig ko sakanya hanggang sa tumayo na siya at naglakad na paalis. Nang bumalik ako sa aking wisyo ay doon ko 'lang narealized na dapat ay habulin ko na siya bago pa siya makaalis ng tuluyan. Something inside me telling me to stop her and I don't know why I have that feeling. Siguro, kasi pang ilan ko na siyang Sekretarya? Tapos ngayon ay patatalsikin ko na agad siya ng ganon-ganon 'lang? Or maybe, because I Have this feeling that someday, I will going to look for her? Na baka kailanganin ko din siya. Kailanganin saan? First Lady? On her first day of work, pinakita na niya agad sa akin na applicable siya sa Posisyon. Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa meetings at sa mga kailangan kong gawin. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, mukha namang kaya niya ang mga trabahong ibibigay ko. Oh, s**t! Bakit ba ako nagiging ganito? Iniyakan 'lang ako nung tao nagu-guilty na agad ako ng ganito? Wait, is this even guilt? O talagang gusto ko siyang manatali bilang Sekretarya ko? Kasi sa totoo 'lang, there's something special about her. Kahit baduy, espesyal siya.... "Alondra, wait!" Sigaw ko bago tumakbo palabas ng Munisipyo at bumaba sa hagdan. "Alondra, sandali!" Sigaw ko ulit habang tumatakbo. She was about to crossed the streets---until somebody struck me and blocked my way to her------mga reporters! Hindi ko na siya masyadong makita dahil sa pagdagsa ng iilang reporters sa harap ko. Nagsisiksikan at nagtutulakan sila para makalapit sa akin, para interviewhin ako. Pinipilit nilang mag-unahan at nilalapit pa nila ang mga hawak nilang smartphones, mic and some recording stuffs sa aking bibig. "Mayor Alarcon, totoo po bang may nais humamon sa inyong pwesto?" Sabi ng Isang reporter. "Totoo po ba ang sabi-sabi na marami daw po kayong babae?" Halos mapakunot ang noo ko dahil sa tanong na iyon, pero hindi na ako umangal dahil totoo naman. Pinilit ko na lamang na umalis at lumayo mula sa kanila kaso pinapaikutan nila ako. "Mayor, totoo po bang mayroon kayong hindi pagkakaunaawan sa Presidente ng Pilipinas na iyong Tiyo? Ano po ang dahilan nito?" Wtf. Saan nila nakuha ang balitang iyon? Pasalamat sila wala akong oras para kausapin sila. I really need to stop Alondra. Should I say sorry to her? Should I withdraw everything that I said? It's not that I don't like her to be my Secretary. She's uhmm---pretty. pero hindi naman maaalis sa akin na pagdudahan siya. Hindi na kasi madaling magtiwala ngayon lalo na't hindi ko naman siya gaanong kilala. Madaling mang-gamit, pero mahirap magpagamit. ayokong magpa-gamit. kung ganon nga siyang tao, ngayon pa 'lang ay gusto ko na siyang pigilan. pero paano ko siya mapipigilan kung ang sarili ko na mismo ang kusang humahabol sakanya? Damn, Archie! Anong pinagsasabi mo? Saan mo nakuha ang mga 'yon? Seriously? "No, stay away from me!" Inis kong saad at pilit na naghahanap ng malulusutan sa mga nakapalibot na reporters. "Alis!" Sabi ko pero mukhang ayaw nilang umalis at pinipilit akong interviewhin. Mabuti na 'lang talaga ay dumating na iyong mga gwardiya ko at saka sila na mismo ang nag-awat sa mga reporters. Pinaalis sila nila Fernan at ng iba kong Gwardiya hanggang sa mapaatras na ako at makalayo sakanila ng kaunting distanya 'lang naman. Napabuntong hininga ako at saka napailing habang tinitingnan ang mga desperadong reporters na pilit na kumakawala sa aking mga gwardiya. Nalipat 'lang ang aking atensyon nang marinig ang isang nagtatakang boses ng babae. "Mayor?" Napalingon ako sa kung saan nanggaling iyong boses at hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang nagtataka niyang mukha. She looks cute, really. Nang kumunot ang noo niya ay doon 'lang ako natigil. Unti-unting nalaglag ang ngiti sa aking labi nang bumalik ang aking wisyo. Archie, what the f**k is happening to you? "Hey." Seryosong Bati ko at bahagyang lumapit sakanya. Napaatras siya nang mapansing papalapit ako. Nagtataka parin ang mga mata niya at halatang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Namumula din ang mga mata niya at halatang-halata roon na umiyak siya nang sobra. Nasaktan talaga siya sa sinabi ko, and I feel so guilty about it! Hindi siya sumagot o bumati pabalik. Tiningnan niya 'lang ako ng seryoso habang nakanguso ang kanyang labi. She looks cute, to be honest. "Ahmm, what's my schedule for today?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nagtanong na 'lang ako ng kung ano-ano. I am Archie Alarcon. I know some random topics, na akma naman sa mga sitwasyon pero this time kasi wala talaga akong masabi. As in wala. Walang-wala! Napakunot ang noo niya at halatang nagtataka siya sa tanong ko. "Akala ko ba, pinapatalsik mo na ako?" Napakunot ang noo ko at nagkunwaring nagtataka, "I Didn't say that directly." Sabi ko. "Pero Mayor, ayun ang gusto mong iparating. Diba sabi mo maghanap na ako ng ibang trabaho?" Napa-igting ako ng bagang. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang sinabi sa utak ko na ang cute niya....parang gusto ko ulit aminin. Ang cute niya talaga! Oh, s**t, Im being Gay s**t! Umiling ako bago nagsalita, "hindi ko iyon Sinabi. Ang sabi ko 'lang....." tinaas niya ang isa niyang kilay. Napasinghal ako bago muling nagsalita, "Okay, Fine, sinabi ko nga iyon. But I Didn't meant to hurt your feelings. Okay? Just Stay and Be My Secretary!" Dire-diretsyo kong sabi at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Napanguso siya at para bang nag-iisip pa kung papayag ba siya sa gusto ko o hindi. "Mayor, mag-sorry ka muna." She looked at me seriously while waiting for my answer. Napakunot ang noo ko. "Why would I?" Im Mayor Alarcon! For Pete's sake Im a Mayor! Bakit ako magso-sorry sa taong Sekretarya ko 'lang? Gumusot ang mukha niya. "Dahil nasaktan mo ang feelings ko......" napanguso siya na para bang nagpapa-cute sa akin. I admit, She's cute but, Hell No! Bakit ako magso-sorry? Napa-tiim bagang ako. Medyo nakaramdam ako ng inis dahil sa pagiging demanding niya kaya hindi ko maiwasang bumalik sa aking normal na emosyon at sa tunay kong ugali. "Kung ayaw mo, fine. I should Find my NEW Secretary, yung mas deserve ang malaking sahod na ibibigay ko...." tatalikod sana ako pero bigla namang hinawakan ni Alondra ang braso ko para pigilan akong makaalis. "W-wait, Mayor!" Pagpipigil niya habang nakahawak sa braso ko. Bahagya akong napalingon sa kanya at kusang nawala ang kunot sa aking noo nang maramdaman ang hawak niya sa akin. Binaba ko ang tingin ko sa kanang braso ko na hawak ni Alondra, at nang may-angat ako sa kanya ng tingin ay agad niya iyong binitawan. Para bang nahiya siya bigla. "Okay na po. Hindi niyo na kailangang mag-sorry." Sabi niya habang nakayuko. Napa-ngisi ako. Yun naman pala, e. Sorry-sorry pa. Ako mapapa-sorry niya? No f*****g way. Walang kayang magpa-amo sa isang Archie Alarcon.....wala, pero may kakaiba siyang way para patahimikin ako. Kayang baguhin ni Alondra ang mood ko nang hindi niya napapansin. Can you believe it? Nakatingin 'lang ako sakanya nang seryoso hanggang sa may isang babae ang lumapit sa amin kasunod ang isang lalaki na may hawak na camera, na sa tingin ko ay mga reporters din. Pano sila nakatakas sa mga gwardiya ko? "Mayor, totoo po bang magkakaroon po kayo ng First Lady, sakaling kayo ulit ang manalo? Sino po ang Swerteng Babaeng ito?" Sunod-sunod na sabi ng reporter bago itinutok sa bibig ko ang Mic na hawak niya. Matapos niya iyong sabihin ay kusang dumako ang mga mata ko kay Alondra na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa harap ko at nakayuko. Hindi ko alam kung bakit pero nagawa kong sumenyas sa mga gwardiya ko na hayaang lumapit sa akin ang mga reporters at nang makalapit sila sa akin ay doon 'lang ako lumapit kay Alondra. Agad ko siyang inakbayan nang hindi na nagpapa-alam. Naramdaman ko ang pag-angat ng tingin niya sa akin bago ako nagsalita nang walang pag-aalinlangan. "She's Going to be My First Lady. Siya ang makakasama ko sa pagpapa-unlad ng Maynila." Naramdaman ko ang paglaki ng mata ni Alondra dahil sa sinabi ko.  I heard some murmurs, giggling and whisperings from the reporters. Inangat ko na lamang ang gilid ng aking labi bago tumingin sa gulat at nagtatakang mata ni Alondra.  "You heard it right." I winked at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD