Third Point of View Kasalukuyang nagmamaneho si Greige galing sa isang business session sa isang exclusive restaurant at ngayon pabalik na siya sa isang hotel na pansamantalang tinutuluyan nila ni Harold. Mga ilang sandaling lumipas nang may mag-ring ang kanyang cellphone kaya kaagad niyang pinindot ang bluetooth headset sa kanyang kaliwang tainga at sinagot ito. Mga magulang pala niya ang tumawag. "Papunta na diyan ngayon sina Mrs. and Mr. Muestra." mabilis na saad ng kanyang ina sa kabilang linya. "Kaya dapat samahan mo na ngayon si Athena ihanda ang kanyang mga dadalhin patungong America." Sa sinabing iyon ng kanyang ina bigla na lang nagliwanag ang kanyang isip dahil mailalayo na siya kay Athena pero nalulungkot pa rin siya dahil sa tingin niya ay wala na talaga siyang pag-asa ka

