Naglakihan ang aking mga mata nang makita ko siya ulit matapos ang birthday celebration naming dalawa. Napaka-expressionless ng kanyang mukha na bumungad sa akin at ibang Athena ang kaharap ko ngayon. Nag-aalinlangan tuloy akong kausapin siya. “Hmmm, Thena.” Bungad ko sa kanya. “Musta sis? Long time no see.” sabi niya na nanatili pa rin siyang cold kung tumititig sa akin. Napapatanong na lang ako sa sarili ko kung may problema ba kaming dalawa o may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan nitong nakaraan. Kasi simula noong nangyari kay Greige at ako yung sumagip sa kanya, naging iba na yung tingin at pakikitungo niya sa akin. Alam na kaya niya? Huwag naman sana at ayaw ko umabot sa punto na hindi na kami magkasundo dahil lang sa isang lalaki. “A---yos na---man.” nauutal ko pang s

