Althaea Cassidy's POV Isang tugtog mula sa banda ang aking naririnig ngayon. Kasama kami sa tatlong banda na ininivite ng manager nitong restobar para sa 5th year anniversary. Panghuli kami ang magpe-perform kaya hinahanda na namin ang mga sarili para mamaya. Tig-iisang song lang ang kakantahin namin na pinagpraktisan sa loob ng isang linggo dahil kapwa kami busy sa trabaho at hinahati namin ang oras para rito. Maya-maya kami na ang susunod. Actually ako napili ng mga ka-member ko ang maglead ngayon since yung kakantahin namin ay isang female song na opm- slow rock ballad ang napili ng buong member. Si Ginger ang nag-isip ng kanta at mukhang parinig nanaman ito sa ex-boyfriend niyang niloko siya. It's time to shine! Wooh kami na. Kaya ko 'to! Huwag Na Huwag Mong Sasabihin by Kitchie

