CHAPTER 82

2160 Words

Nang tuluyan silang pumasok sa puso ng lungsod, lalong namangha si Kaylyn. Ang kaniyang leeg ay sumasakit na sa pagtingala; ang naglalakihang mga skyscraper na dati ay sa mga luma at kupas na litrato lang niya nakikita ay tila ba dambuhalang mga toreng umaabot sa langit, ang kanilang mga kristal na dingding ay nagniningning sa ilalim ng buwan. Pagdaan nila sa Times Square, tila bumukas ang isang bagong mundo para sa kaniya. Ang kislap ng milyon-milyong ilaw, ang malaking mga digital billboard na nagpapakita ng mga sikat na modelo at produkto, at ang dagat ng mga taong balot na balot ng makakapal na damit ay nagpatingkad sa gabi. "Ledger, tignan mo 'yun!" turo ni Kaylyn sa isang gusaling puno ng makukulay na ilaw na nagpapalit-palit ng disenyo. "Totoo nga ang sinasabi nila... hindi nga na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD