bc

MAALINDOG NA XXL (SSPG)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
contract marriage
one-night stand
escape while being pregnant
age gap
boss
mafia
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
loser
small town
cheating
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

“Kung ganyan kagwapo at kayaman ang may-ari, naku, Afam na Afam na talaga ako! Lord, baka naman pwedeng kahit isang afam lang ang ibigay mo sa akin para naman makaahon na kami sa hirap. Kahit super daks pa ‘yan, okay lang! Sabi nga nila. ‘di bali nang daks, abot naman sa langit ang s4rap!”

——

Si Kaylyn Obligado ay tatlumpung taong gulang at ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya. Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang oras sa pagtatrabaho hanggang sa halos wala na siyang panahon para sa sarili. Sa kabila nito, dala-dala niya ang isang mataas na pangarap: ang makapag-asawa ng isang Afam.

Tinuruan siya ng kanyang nakababatang kapatid kung paano gumamit ng isang dating app.

Doon niya nakilala ang lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso—si Ledger Luke Russo.

Isang half-American, half-Filipino, at apatnapu’t dalawang taong gulang. Halos araw-araw ay walang palya ang pagiging malambing nito sa pakikipag-usap.

Akala ni Kaylyn, si Ledger na ang lalaking mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan, ngunit nagkamali siya.

Sa araw ng pag-uwi ni Ledger sa Pilipinas, laking gulat ni Kaylyn nang makitang may ibang babaeng sumundo rito.

Sa isang iglap, tila naglaho ang lahat ng kanyang mga pangarap at nadurog ang kanyang puso.

Pinaasa lang pala siya ni Ledger. Ngayon, sa tingin niya ay habambuhay na lamang siyang magiging single.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Ang amoy ng pritong pagkain at ang walang katapusang ingay ng mga kubyertos ang nagsisilbing background music ni Kaylyn sa buong maghapon. Pangatlong trabaho na niya ito sa loob ng dalawampu't apat na oras. Pagkatapos ng walong oras sa isang laundry shop sa umaga, dumiretso siya sa isang factory sa hapon, at ngayon, heto siya sa isang restaurant, nag-aabot ng order, nagpupunas ng mesa, at nakikipagplastikan ng ngiti sa mga masusungit na customer. Masakit na ang kanyang likod. Ang kanyang mga paa ay tila lulubog na sa semento sa bigat ng kanyang nararamdaman. Pero tuwing titingin siya sa wall clock ng restaurant, isa lang ang iniisip niya: “Kaunti na lang, Kaylyn. Para sa pag-aaral ni Zinnia. Para sa kinabukasan nina Jaxon at Geneva. Konting kayod pa.” Pagpatak ng alas-diyes ng gabi, lulan ng huling biyahe ng jeep, nakasandal ang ulo ni Kaylyn sa bakal na hantungan. Pagod na pagod siya, pero ang isip niya ay laging nasa listahan ng mga babayarin—kuryente, tubig, upa, at ang nalalapit na tuition ni Zinnia. Gusto na lang niyang humiga at matulog nang mahimbing. Ngunit pagtapak pa lang niya sa gate ng kanilang maliit na bahay, hindi katahimikan ang sumalubong sa kanya. Isang matinis na sigaw mula sa loob ang nagpatayo ng balahibo niya. “Anong akala mo sa buhay, laro?! Zinnia, ang hirap-hirap ng buhay natin, dinagdagan mo pa!” boses iyon ng kanyang ina na halos mapatid na ang ugat sa leeg sa galit. Mabilis na pumasok si Kaylyn. Nadatnan niya sa sala ang kanyang ina na nanginginig sa galit at si Zinnia na nakayuko pero bakas ang pagmamatigas sa mukha. Si Jaxon naman ay nakatayo sa gilid, hindi malaman ang gagawin. “Ma, anong nangyayari?” hingal na tanong ni Kaylyn. Inilapag niya ang kanyang bag na tila pasan-pasan ang buong mundo. Humarap ang kanyang ina sa kanya, puno ng luha ang mga mata. “Itong kapatid mo... Kaylyn, buntis ang kapatid mo!” Para namang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Kaylyn. Sa isang iglap, tila nawala ang lahat ng pagod sa kanyang katawan at napalitan ito ng isang matinding pamanhid. Ang kanyang mga tuhod na kanina pa nangangatal sa pagod ay tuluyan nang bumigay. Muntik na siyang sumubsob sa sahig kung hindi lang siya mabilis na naalalayan ni Jaxon sa braso. “Ate! Ate, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Jaxon habang inaalalayan siyang maupo. Hindi makasagot si Kaylyn. Ang kanyang mga mata ay nakapako kay Zinnia. “Totoo ba?” mahinang tanong niya. Ang boses niya ay gumaralgal. “Zinnia, sumagot ka. Totoo ba?” Hindi sumagot si Zinnia, bagkus ay lalong nagtaas ng mukha na tila hamon pa ang tingin sa kapatid. Ang katahimikang iyon ang naging kumpirmasyon. Doon na tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Kaylyn. Hindi ito iyak ng isang taong nasaktan lang—ito ay iyak ng isang taong nawalan ng pag-asa. “Zinnia naman...” hikbi ni Kaylyn. “Bakit? Bakit ngayon pa? Alam mo kung paano ako magkandakuba sa pagtatrabaho. Alam mo na halos hindi na ako kumakain sa labas para lang may maipadala ako sa school niyo. High school lang ang natapos ko, Zinnia! Ayaw kong matulad kayo sa akin na taga-punas lang ng mesa ng ibang tao! Ginawa ko ang lahat, Zinnia... lahat!” “Hindi ko naman ginusto ‘to, Ate!” sagot ni Zinnia, pasigaw na rin. “Aksidente lang ang lahat!” Dagdag pa nito. “Aksidente?!” Tumayo si Kaylyn kahit nanghihina. Ang kanyang puot at galit ay umapaw na hindi na niya kayang pigilan pa. “Ang pagbubuntis ay hindi parang nadapa ka lang sa kalsada! Pinili mo ‘yan! Pinili mong makipaglandian habang ako, heto, halos mamatay na sa pagtatrabaho para sa kinabukasan mo! Ang kapal ng mukha mong sabihing aksidente lang ‘yan habang ako, wala nang oras para sa sarili ko dahil sa inyo!” “Bakit sinabi ko bang mag-trabaho ka para mapag-aral ako? Ikaw itong nagkusa ‘di ba, pinilit mo ako! Tapos ngayon kung makapagsalita ka, akala mo namang hindi ka lumandi!” Nagkasagutan silang magkapatid. Bawat salitang binitawan ni Kaylyn ay puno ng galit at pagkabigo. “Napakawalang-hiya mo. Wala kang utang na loob. Hindi mo man lang inisip lahat ng sakripisyo ko! Ganyan ka na sumagot sa akin, wala kang galang!” “Sino ba ang ama niyan?” tanong ni Kaylyn, sinusubukang pakalmahin ang sarili pero bigo siya. “Doon ka na tumira sa kanya. Ngayon din.” Imbes na humingi ng tawad, lalong nagmatigas si Zinnia. “Eh ano ngayon kung buntis ako? Mahal ako ni Mark! At kaya niyang panagutan ang bata. Hindi ko kailangan ng sermon mo, Ate! Akala mo kung sino kang perpekto! No wonder kaya wala kang asawa dahil ganyan ka mag-isip!” Dahil sa mga binibitawang salita ni Zinnia, malakas siyang sinampal ng ina. Walang imik itong nakatingin sa kanya. Doon na tuluyang naputol ang huling pisi ng pasensya ni Kaylyn. Ang pagmamatigas ng kapatid ang huling dagok na hindi na niya kayang tiisin. “Ah, ganoon? Mahal ka niya? Sige, magsama kayo! Bastos ka!” sigaw ni Kaylyn habang itinuturo ang pinto. “Lumayas ka sa pamamahay na ‘to! Isama mo ‘yang lalaking ‘yan at doon kayo maghirap! Simula sa araw na ito, wala na akong kapatid na Zinnia. Hindi na kita obligasyon. Lahat ng pangarap ko para sa’yo, tinapon mo na sa basura, kaya itatapon na rin kita sa buhay ko!” “Kaylyn, anak, huwag naman sana ganyan...” pag-aamo ng kanilang ina, ngunit wala nang naririnig si Kaylyn. “Hindi, Ma! Pagod na ako!” humahagulgol na sigaw ni Kaylyn. “Pagod na pagod na akong maging matatag para sa kanila habang sila, winawasak lang ang lahat! Zinnia, lumayas ka bago ko pa makalimutang kapatid kita!” Hindi rin nagpatalo si Zinnia. Sa sobrang pride, mabilis itong pumasok sa kwarto, nag-impake ng ilang gamit, at lumabas nang padabog. “Sige! Lalayas ako! Akala mo naman kung sinong bayani! Maraming salamat sa lahat, pero hinding-hindi na ako babalik dito!” Malakas na sumara ang pinto nang lumabas si Zinnia. Napaupo si Kaylyn sa sofa, yakap ang sariling mga binti, at humagulgol nang malakas. Ang bawat patak ng kanyang luha ay tila humihiling ng pahinga na tila hindi na darating. Lahat ng pangarap niya para sa kapatid—ang makita itong magsuot ng toga, ang magkaroon ito ng maayos na opisina—ay naglaho sa isang gabi. Sa gitna ng dilim at sakit, isang bagay lang ang malinaw kay Kaylyn: muli siyang nabigo ng buhay. At sa pakiramdam niya, sa tindi ng pagod at sakit, baka habambuhay na lang siyang mag-isa sa labang ito. Nanatiling nakatulala si Kaylyn sa pintong sinara ni Zinnia. Ang bawat hikbi niya ay parang hinihiwa ang katahimikan sa loob ng kanilang maliit na sala. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng katawan, yung tipo ng pagod na hindi na makukuha sa isang tulog lang. Dahan-dahang lumapit ang kanyang ina. Nanginginig ang mga kamay nito habang hinahaplos ang likod ni Kaylyn bago siya nito niyakap nang mahigpit. Doon na tuluyang bumigay si Kaylyn. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ng ina at humagulgol na parang bata. "Anak... patawarin mo ako," bulong ng kanyang ina habang tumutulo rin ang mga luha. "Patawad, Kaylyn. Dapat ako ang gumagawa nito. Dapat ako ang naghahanap-buhay at nag-aalaga sa inyo. Pero lahat isinalo ko sa'yo. Ang bata-bata mo pa nung naging tatay at nanay ka sa mga kapatid mo. Patawarin mo ako kung wala akong maitulong kundi ang panoorin kang magpakapagod nang ganito." Umiling si Kaylyn, hindi makapagsalita dahil sa bawat paghinga niya ay may kasamang pout. "Ma... bakit ganoon?" hirap na hirap na tanong ni Kaylyn. "Ginawa ko naman lahat, 'di ba? Kahit kailan hindi ako bumili ng bagong damit para sa sarili ko. Kahit masama ang pakiramdam ko, pumapasok ako sa trabaho kasi iniisip ko yung tuition ni Zinnia. Akala ko... akala ko siya yung mag-aahon sa atin. Siya yung pinaka-matalino sa kanila, Ma. Siya yung inaasahan kong makakatapos para naman makapagpahinga na ako kahit konti." Sa gilid, hindi na rin napigilan nina Jaxon at Geneva ang maiyak. Si Geneva, na bunso sa apat, ay lumapit din at yumakap sa binti ng kanyang Ate. "Ate, sorry po," hikbi ni Geneva. "Hindi rin namin alam bakit naging ganun si Ate Zinnia. Dati naman, sabay pa kaming gumagawa ng assignment. Nakikita ko siyang nagpupuyat para lang mataas ang grades niya kasi sabi niya, ayaw niyang masayang yung pagod mo." Sabi naman ni Jaxon. "Yun na nga ang masakit, Jaxon," hinarap ni Kaylyn ang kapatid na lalaki. "Dahil nakita ko yung potential niya, doon ko ibinuhos lahat. Mas naging masipag ako kasi sabi ko, konting tiis na lang, gagraduate na siya. Pero bakit nagbago siya? Bakit biglang naging mas mahalaga sa kanya yung lalaking 'yun kaysa sa pamilya natin? Kaysa sa'yo na kuya niya na nag-aalaga rin sa kanya?" Napayuko si Jaxon, pinupunasan ang sariling mga luha. "Hindi ko rin maintindihan, Ate. Akala ko okay kami. Pero nitong mga nakaraang buwan, lagi na siyang tulala, laging may ka-chat. Pag pinagsasabihan ko, siya pa ang galit. Patawad kung hindi ko siya nabantayan nang maayos habang wala ka." Humarap ulit ang nanay nila kay Kaylyn, hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ka nagkulang. Sobra-sobra ang ibinigay mo. Siguro... sadyang may mga desisyon ang mga tao na hindi natin hawak kahit gaano pa natin sila palakihin nang tama." "Pero Ma, paano na?" tanong ni Kaylyn, bakas ang kawalan ng pag-asa sa kanyang mga mata. "Yung pangarap ko para sa kanya, wala na. Yung perang itinabi ko para sa finals niya, mapupunta lang sa panggastos sa panganganak niya? Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas. Parang gusto ko na lang sumuko." Niyakap siyang muli ng kanyang ina. "Nandito kami, Kaylyn. Hindi ka mag-isa. Kahit wala akong pera, hindi kita iiwan. Magtiwala tayo, anak. Makakaraos din tayo." Ngunit sa loob ni Kaylyn, alam niyang hindi ganoon kadali 'yun. Habang nakayakap sa kanyang pamilya, naramdaman niya ang isang matinding lamat sa kanyang puso. Ang pagod na nararamdaman niya ay hindi na lang sa kalamnan, kundi hanggang sa kaluluwa. "Pagod na ako, Ma," huling bulong ni Kaylyn bago siya tuluyang nanahimik sa bisig ng kanyang ina, habang ang mga kapatid niya ay nakabantay sa kanya, punong-puno ng takot at lungkot para sa kanilang pamilyang unti-unti nang nagkakawatak-watak. . . . ~ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
7.8K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
106.0K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
47.6K
bc

Angkol Douglas (SSPG)

read
31.1K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
112.0K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
113.5K
bc

The Sister's First Love (SPG)

read
73.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook