Lumipas ang ilang araw na tila isang biyaya para kay Kaylyn. Ang dating mapanglaw at tensyonadong kapaligiran sa opisina ni Russo ay napalitan ng panandaliang kapayapaan. Dahil abala si Russo sa mga sunod-sunod na business events, mergers, at galas sa New York, hindi na ito masyadong tumatawag sa kanya via video call. Bagaman kailangan pa rin niyang pumasok at gawin ang kanyang mga tungkulin, ang kawalan ng mapanuring titig ni Russo ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong huminga. Sa kabila nito, ang komunikasyon nila ni Ledger sa dating app ay mas lalong naging madalas. Lingid sa kanyang kaalaman, ang Ledger na nagpapatibay ng loob niya gabi-gabi ay ang parehong Russo na nagpahirap sa kanya, ngunit sa mundo ng app, nararamdaman ni Kaylyn ang kalayaang hindi niya mahanap sa realidad. Sa git

