“Who are you?” Parang bombang bigla na lang iyong bumagsak sa harapan ko. Labis ang naging panginginig ng kamay na nasundan na ng pagragasa ng mga luha. Nakakatakot. Nakakapigil ng hininga. “A-Anong sabi mo?” Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa kong magsalitang muli. Hindi ko napigilan ang tanong kahit pa takot akong malaman ang totoo. Sabi ng doktor, mild lang naman ang nagawa ng aksidente sa ulo ng lalaki pero hindi pa rin nila masisiguro ang bagay na iyon hangga’t hindi pa nagigising si Cormac. Natatakot ako. Paano kung siya naman ang hindi nakaaalala sa akin? Paano kung totoong nagkaroon nga ito ng amnesia? Hindi ko alam kung saan pa marahil magsisimula. “S-Sandali. . .” wala na sa sarili kong gagad. “Tatawag lang ako ng doktor.” Akmang maglalakad na sana ako palabas ng kwar

