Forty-two: Who are you?

1406 Words

Tatlong araw ng walang malay si Cormac at hindi ko na rin mahanap ang sarili. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Napakaraming mga bumibisita sa lalaki, nagdadala ng mga prutas, bulaklak at kung ano-ano pero ni isa sakanila ay hindi ko man lang nakausap. Si Kuya Jac ang nagpapaliwanag noong nangyari lalong-lalo na sa magulang ni Cormac. Hindi ko mahagilap ang sarili. Parang basta na lang pumipikit ang mga mata ko tuwing inabot na ng antok at dumidilat. Hindi ko na namamalayan ang oras. Ilang beses na ring bumisita ang mga pulis, umaasa sa paggising ni Cormac para makausap ito at makahingi ng statement tungkol sa nangyaring hit and run pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang napapala. Walang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente. May iilan mang mga sasakyang naka-par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD