“Of course,” walang ganang sabi ko saka tahasang pinaggugulo ang sarili kong buhok. “Of course, wala ka naman talagang hahanapin! What an excuse.” Pagkatapos ng ilang minutong pag-aantay sa sasabihin ng lalaki matapos makarating sa Batangas ay sumuko na lang din ako. This is frustrating! Akala ko pa naman ay talagang may makukuha at malalaman ako sa araw na ito. “Cormac!” Nakakunot na ang lalaki nang nilingon niya ako. “Dali na, Av. My legs are tired. Marami tayong kailangang puntahan sa first day ng itinerary natin, Av, kailangan mong mas bilisan ang lakad.” Mas namewang ako sa likuran nito. Tila ba mas pinili ko ang pagrerebelde at hindi ko sinunod ang sinasabi ni Cormac. Hinding-hindi ako gagalaw rito hangga’t hindi nito sinasabi sa akin kung ano ang itinatago nila sa akin ni Kuya

