DECLAN "What's wrong with you, Declan?" seryosong tanong ni Amara na pumasok at kadarating lamang dito sa loob ng opisina ko. "Bakit narito ka?" tanong ko habang nakatingin sa laptop ko at hindi nag-angat ng mukha para tapunan ng tingin ang kapatid ko. "Bakit mo itinapon si Jared at Alexander sa labas ng bansa at sabay mo silang binigyan ng suction?" tanong ni Amara na hindi sinagot ang tanong ko. Hindi ako sumagot at nagkibit balikat lamang. Alam ng kapatid ko na wala ako sa mood kausapin siya ngayon kapag ganito ang nakikita niyang kilos ko kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya akong tigilan. "Alam mong malaki ang magiging damage nito sa side mo Declan. Your losing an alley at hindi maganda ang epekto nito sa pamumuno mo. You need both of them, especially now na hindi natin kilal

