DECLAN Hindi ako mapakali at ilang ulit na akong nag-pabalik-balik sa harap ng pintuan. Gusto ko ng pumasok sa loob ng operating room para makita at malaman ko kung ano ang tunay na kondisyon ng asawa ko pero nagpipigil ako dahil ayaw ko namang gumawa ng gulo. "How is she? Lumabas na ba ang mga apo ko?" tanong ni daddy na dumating kasama si mommy. "I don't know yet dad," kinabahan na sagot ko. Matinding kaba kasi ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Daig ko pa ang pumunta sa giyera dahil hindi ako nakakaramdam ng takot kapag may kaaway ako at nakikipag-barilan sa mga kalaban ko pero iba ngayon na tungkol sa asawa at mga anak ko ang pinag-usapan dito. "Calm down and relax anak. Makakaligtas sila, may awa ang diyos. Hindi niya pababayaan ang mga anghel ninyo," bulong ni mommy sa ak

