DECLAN Mausok, madilim, mainit at halos hindi ako makahinga dahil sa kapal ng usok na bumabalot sa buong paligid pero hindi nito napigilan ang determinasyon ko na mahanap ang asawa ko. Napatunayan kong hindi nagsasabi ng totoo ang firefighter na nakausap ko dahil may mga nag-iiyakan na mga tao na na-trap dito sa loob ang inabutan ko. "Tulungan n'yo po ako! Ang anak ko! Diyos ko!" malakas na sabi ng isang babaeng nakasalubong ko kalong ang isang bata na sa tingin ko ay tatlong taong gulang. "Hindi ko kayo mailalabas dito ngayon dahil hinahanap ko ang asawa ko but if you can trust me, sumama ka sa akin at umakyat ka sa rooftop. Hindi tayo makakalabas sa main entrance tupok na ng apoy ang lugar na 'yon," sagot ko. Akala ko siya lang ang naroon pero marami pala silang nasa corridor at n

