"Alright babe, thank you," tipid lang ang sagot nito pero kumakabog ang puso ko. "Thank you hija, nag-abala ka pa," nakangiti na sabi ng daddy ni Declan. Kung titingnan ko sila, mukhang kalmado naman, malayo sa kung paano ko sila narinig kanina na galit na galit kausap ang nabanggit niyang Salazar ang pangalan. "Wanna join us?" tanong ni Ninong Sabby pero nakangiti na tumanggi ako. "Hindi na po, katatapos ko lang kumain ng almusal." "Ang swerte mo naman Declan kay Liegh. Mabuting babae ang naging asawa mo. Magaling talaga tayong pumili, nagmana ka sa amin ng daddy mo," sabi nito na nginisihan ng ama ni Declan. Namula at nag-init ang mukha ko, nahihiya na ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. I'm not used to receiving such a compliment from anyone. Nasanay akong

