"Yes you did, what if hindi? Walang nakakaalam ng silid na iyon maliban sa akin. Sa tingin mo, kapag may masamang nangyari sa 'yo s silid na iyon, makakalabas ka ng buhay kung sakaling hindi ako dumating at hindi ka nakalabas?!" Napapikit ako mg tumaas ang boses ni Declan. Ramdam ko na galit siya dahil sa ginawa ko pero kasalanan ko ba na nagtatanong ako ngayon dahil sa natuklasan ko. "Alam kong mali na pumasok ako doon dahil pribadong silid mo iyon, Declan pero hindi mo pwedeng balewalain ang tanong ko kung bakit napakaraming baril, armas at pera doon!" palaban na sagot ko. Nakipagtitigan ako sa kan'ya indikasyon na hindi susuko sa mga oras na ito. Siguro nga napuno na ako at tuluyang sumabog ang samu't-saring emosyon na meron ako kaya heto, hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko.

