"Bakit tinatanong mo? Mukhang nakarami ka ah," nanunukso na tanong ko dito. "Well yeah, pinarusahan ako ng asawa ko. Itinali pa nga ako sa kama kasi pasaway daw ako." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Amara. Nakakatakot naman pala ang asawa niya. Mabuti na lang, hindi ginawa sa akin 'yon ni Declan dahil baka natakot ako sa kan'ya ng sobra. "Ayos lang sa 'yo na ginawa 'yon ng asawa mo, Amara?" hindi makapaniwala na tanong ko sa babaeng kaharap ko. Mukhang masaya pa kasi siya at kinikilig, kumindat pa sa akin sabay kagat ng pang-ibabang labi na akala mo may na-alalang mainit na tagpo nilang mag-asawa. "Sobra pa sa ayos, mas gusto ko na dominant kung minsan ang asawa ko dahil laging sa aming dalawa ako ang nasusunod sa lahat ng bagay kaya achievement ko na aggressive siya s

