Tama siya, gumaan ang pakiramdam ko ng sabunutan at nasapak ko si Leticia. Mabuti na lang talaga, walang masamang nangyari sa amin ng mga baby ko kaya nagpapasalamat ako ng husto. Knowing kung gaano ka overprotective si Declan, sigurado akong magagalit siya oras na may hindi magandang nangyari sa mga bata. "Hayaan mo, pupunta ako sa opisina ng kapatid ko one of these days. Kikilalanin ko ang higad na secretary niya," mataray na sabi ni Amara. Napasarap ang kwentuhan namin ni Amara. Mabilis na lumipas ang oras at namalayan na lang namin na hapon na pala. "Ano ba 'yan, sabi ko po naman pupunta ako dito para may kasama akong mag-shopping kaso ang daldal mo kasi, hapon na tuloy. Hindi na tayo pwedeng umalis," paninisi ni Amara sa akin. "Ikaw rin naman madaldal ka eh," nakangiting katwiran

