"Jared, I can't make it. Masama ang pakiramdam ng asawa ko, hindi ko siya p'wedeng iwan ngayon dito," sabi ni Declan sa kaibigan na kausap. Umiling ako ng magtama ang mga mata namin pero hindi na binawi ni Declan ang sinabi nito. "Alright, much better kung gan'yan. Sige hintayin ko na lang kayo dito." Pinutol nito ang tawag at lumapit sa akin. Sinalat ang noo ko at ngumiti ng napagtanto na wala naman akong lagnat. Saglit pa ay ay nag-doorbell at pumasok ang kasambahay kasama ang doctor na tumingin sa akin. Sinabi ni Declan ang nangyari na akala mo naman ay muntik na akong bawian ng buhay kung makapag-react. Mabuti na lang at tumahimik ito ng matapos marinig ang sinabi ng doktor na normal lang ito at wala siyang dapat na ipag-alala dahil maayos ang kondisyon ko. "Nagugutom na ako," ag

