"Nagsasawa na ako, gusto ko kumain ngayon ng santol," maluwag ang ngiti sa labi na sagot ko. Inutusan ni Declan ang mga tauhan na maghanap my santol sa palengke at supermarket. Excited naman ako at hinihintay na may dalhin pabalik ang mga tauhan niya pero sumama ang loob ko ng tawagan si Declan ng kung sino sa tauhan nito na wala umano silang nahanap na santol kahit saan. Nangako lalaking kaharap ko na may makukuha at maibibigay siyang santol kahit anong mangyari. Excited akong naghihintay sa sala hanggang sa dumating si Jared, isa sa matalik na kaibigan ni Declan at sinundan ni Alexander hanggang sa pumasok na rin si Dexon na mukhang magkakasama silang pumunta dito. "Ano, may dala ba kayo nang pinabili ko?" tanong ni Declan na ang mga mata ay nakatutok sa mga kaibigang dumating. "Oo,

