Ewan kung bakit hirap na hirap sila samantalang kinakagat ko lang ang plastik na takip nito sabay hatak at presto, bukas na agad ito. "Wow, ang galing mo ha," natutuwang sabi ko sabay palakpak ng makitang kinain ng mga kaharap ko ang nabuksan na jellyace. "It's nice, I guess I need a best wine," sabi ni Dexon na gumalaw pa ang kilay. "Are you sure or is it one of your devilish pranks?" Natawa ako kay Alexander dahil sa lahat, siya itong mahirap kausap. Laging akala mo ay mapaghinala sa paligid at pinauna muna ang mga kaibigan bago kinain ang nadurog ng jellyace dahil gigil siyang mabuksan ito kanina. Tumayo si Declan at pumunta sa mini bar nito sa sulok. May dala na itong baso at alak kaya kan'ya-kanyang salin ang mga kaibigan nito at nagsimulang mag-inuman sa harap ko. I wonder kun

