May mga tinawagan pa ito at inutusan maghanap dahil iisa ang sagot na nakuha nito. "Lintik, ayaw kong pumangit ang anak ko kapag hindi nakain ng asawa ko ang gusto niya," sabi ni Declan matapos tawagan ang kausap. "Kayong tatlo, wala ba kayong balak tulungan ako? Gagawin ko kayong ninong ng triplets, tig isa kayo," sabi ni Declan na akala mo isang business deal ang usapan tungkol sa mga anak namin. "Magkano ang ibabayad mo, magpapa-hanap ako?" tanong ni Alexander na biglang nagsalita. Marunong naman palang mag-tagalog ang isang ito, na peke pa ako. Akala ko talaga Russian siya dahil wala namang bakas ng pagiging Pinoy sa mukha niya pero nagkamali lang pala ako. "I want the leadership. Kapag ipupusta mo iyon, ako mismo ang maghahanap ng santol mo," sabi pa ni Alexander pero binatukan i

