"Wala namang resibo kapag bibili mo sa mismong may ari ng puno kaya fresh pa 'yan," katwiran ni Declan. "Maniniwala lang ako kung may ebidensya ka," sagot ko na kumuha ng isa. "Ang hirap naman n'yan, pwede namang paniwalaan mo na lang kasi. Sandali nga, tatawagan ko si Jared, siya pinabili ko n'yan sa Thailand," sabi nito na mabilis na inabot ang cellphone na nakapatong sa center table. Lalo lang akong hindi maniwala kasi puro kalokohan ang isang iyon pero dahil tinawagan ito ni Declan ay hinayaan ko na lang at tahimik na nakaupo sa tabi ng asawa ko. "Ano na naman ang problema mo Madrigal? Wag mong sabihin na uutusan mo na naman ako, aba ang layo ng pinuntahan ko. Si Miller at Alexander namn utusan mo!" tuloy-tuloy na reklamo ni Jared ng sagutin nito ang tawag ni Declan. "Siraulo, man

