Nag-sign sa akin si Declan na lalayo kaya tumango ako. Lumabas siya saglit para magkaroon ng privacy kaya hindi na ako sumunod pa. Naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng asin at kutsilyo na gagamitin kong pantalop sa santol na hawak ko. Nahinto ang dapat sanang pag-hakbang ko papasok ng makita kong may hawak na maliit na botelya ang isa sa katulong ni Declan na nag-palinga-linga sa paligid at pinatakan ang juice sa harap nito. Malakas na kumakabog ang dibdib ko. Malinaw na nakita ko ang lahat at hindi maganda ang pakiramdam ko sa nasaksihan ko. May hinala ako na hindi maganda ang idudulot ng likidong hinalo ng babaeng patuloy na minamanmanan ko, hanggang sa ipasok sa loob ng damit sa bandang dibdib ang botelya na ginamit nito sa taong pagbibigyan niya ng juice na hinahalo nito.

