LIEGH Mabuti na lang at meron palang kama dito na nilagay si Declan. Actually may sofa pa, fully decorated ang buong lugar na alam kong pinagkagastusan niya dahil sigurado akong mahal ang bawat bagay na nakikita ko dito. Itinaas ni Declan ang kamay at magalang na lumapit sa amin ang isang lalaki na kanina ay siya rin ang nag-assist sa amin sa mesa. Inutusan siya ni Declan na sabihin sa lahat na iwan na kaming dalawa dito dahil tapos na na ang trabaho nila. Natigil ang malamyos na tunog ng musika at hindi nagtagal ay tanging kaming dalawa na lang ni Declan ang naiwan. Maayos na nakahiga ako sa kama habang may unan sa ilalim ng mga binti ko. Malaking tulong ito para maibsan ang pananakit ng mga paa ko at umayos ang daloy ng dugo ko. Ito ang isang bagay na talagang kinatatakutan ko ngayo

