LIEGH Wala si Declan sa tabi ko ng magising ako. Dahan-dahan na inikot ng paningin ko ang buong silid pero walang kahit anong bakas na narito siya sa loob. Tinatamad na bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo. Hindi pa rin kasi ako komportable na hindi nakaligo kanina kahit tinulungan akong maglinis ni Declan dahil nakita naman niyang na pagod talaga ako ng husto. Suot ang roba na lumabas ako ng banyo. Ginamit ko muna ito kahit malaki sa akin at obvious naman na para ito sa asawa ko. Napatingin tuloy ako sa orasan sa dingding. Alas otso na pala ng gabi at pero hindi ako ginising ni Declan. I wonder kung nasaan ang lalaking iyon ngayon dahil tahimik naman dito sa loob ng silid namin. For sure, wala na ang mga empleyado niya kaya malakas ang loob na lumabas at pumunta sa opisina ni

