Saglit na natigilan ako ng tumawa ito, I wonder kung siya nga ba talaga ang kasama ko at hindi ibang tao o baka naman kaya ay na engkanto ito sa laot. "Sabihin mo nga sa akin Declan, may nakita ka bang kakaiba sa laot?" tanong ko. Naalala ko kasi ang kwento sa amin sa probinsya na kapag nakakita sila ng kakaiba ay nababaliw ang mga ito kapag hindi kinuha ng dagat. "Bakit?" balik na tanong nito. "Wala," nakatitig sa mukha nito na tanong ko. "Siguro naman hindi ka gutom Liegh kaya walang ibig sabihin ang gan'yang titig mo sa akin." Namula ang mukha habang nag-iinit ang mga pisngi na umawang ang labi ko habang nakatutok ang mga mata sa kaharap ko. Mukhang kailangan kong pa tingnan sa albularyo kung si Declan pa ba talaga ang kasama ko at hindi engkanto na gumaya sa anyo nito. "Bumab

