"Mauna na ako," sabi ko na akmang lalabas na ng kusina. "Sandali na lang 'to. Hintayin mo na lang ako sa sala," sabi nito kaya tumango lang ako bago humakbang at tinungo ang living room. Saka ko lang napansin ang ilang paper bag na nasa lapag. Bago lang ang mga ito dahil wala pa ang mga ito bago ko pinatay ang ilaw sa takot na pasukin ng mga masasamang loob kanina. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang mga nasa harap ko pero may hinala na akong mga damit ang mga ito base na rin sa nakikita ko ngayon. Naupo na lang ako sa sofa at hindi na nag-abala na tingnan ang mga nakita ko. For sure naman na dala ni Declan 'yon at wala naman akong ambag kaya nanahimik ako sa kinauupuan ko. "Gusto mo bang manood ng movie?" tanong ni Declan na lumapit at naupo sa tabi ko. "Pwede naman," tipid na sagot

