"Mamaya na, masarap matulog kapag ganitong madaling araw tapos yakap ka. Isa pa, wala ka namang gagawin dito sa bahay kaya walang dahilan para bumangon ka ng maaga," halos pa bulong na sabi nito na halatang inaantok pa. Sanay kasi akong gumising ng maaga kaya malimit ay nauuna ako sa kan'yang bumangon. Madalas ay sinasadya ko 'yon dahil kilala ko na ang galawan ni Declan na laging gusto ay humihirit pa sa umaga at hindi kuntento sa isang round lang. "Hindi na ako inaantok eh," dahilan ko. Nakakaalarma kasi ang pakiramdam ko ngayon sa sandata niyang nagngangalit pa rin sa pagitan naming dalawa. Ewan ko kung bakit ganito ang reaksyon niya sa umaga gayong bagong gising lang naman siya. "Anong oras na ba?" tanong ni Declan na bahagyang gumalaw at inabot ang cellphone nito. "God, alas kwa

