"Tired?" tanong nito ng gumulong at nahiga ulit sa tabi ko. "As if naman hindi ka napagod kung makatanong ka sa akin. Hinihingal ka pa," naghahabol ng hininga na sagot ko. Marahang tumawa lang ito saka pabirong kinagat ako sa balikat na akala mo isa akong masarap na pagkaing nakahain sa kan'ya. "Kapag 'yan may marka na naman bukas lagot na talaga sa akin, Declan," banta ko kasi malimit ko siyang mahuling ginagawa sa balikat ko ito. Imbis na seryosohin ni Declan ang sinabi ko ay tinawanan lang ako. Medyo nasasanay na ako sa ugali niyang nakikita ko ngayon sa kan'ya kaya kahit paano ay magaan na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. "I'm just marking my property, Liegh. Kapag kaya mo pa, pwede tayong mag-round two," sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Heh, manahimik ka. Akala m

