"Thank you," emosyonal na bulong ko. Mahina lang 'yon pero alam ko na malinaw na narinig ni Declan lalo na at mas humigpit pa lalo ang mga braso niya sa bewang ko. Tahimik lang siya, wala rin namagitan na kahit anong usapan sa pagitan naming dalawa. Nanatili akong nakaupo sa kandungan niya habang yakap siya at nakasandig ang ulo sa balikat ni Declan. Malinaw rin na naririnig ko ang t***k ng puso niya na ngayon ay payapa na. Such a sweet guy na hindi ko inaasahan na meron para siya sa katawan. I used to hate him this fast few days dahil sa naging experience ko at lahat ng nakikita ko ay negative side niya pero this time, hindi ko alam kung totoo ba ang good side niyang ito dahil natatakot akong kapag bumalik kami sa Maynila ay ang dating Declan Madrigal na naman ang makakasama ko. "Let

