"Maniniwala lang akong asawa ka ni Declan at hindi isa sa mga ikinakama lang niya kapag siya mismo ang umamin sa akin!" malakas na singhal nito kaya lalo lamang uminit ang ulo ko. This b***h! Makikita talaga niya kapag nagkita kami. Manghihiram siya ng mukha sa aso kaya manalangin siyang hindi agad magtagpo ang landas naming dalawa dahil sigurado akong babawian ko siya kahit pa nakatali na parang pang principal sa elementary ang buhok niya, makakalbo ko talaga ang bruhang ito. "I don't care, ask Declan if you want but I won't deny to you na masarap sa kama ang asawa ko!" Gigil na pinutol ko ang tawag nito at hindi ko binigyan ng pagkakataon na sagutin ako. Saka na kami magtutuos kapag nagkaharap na kami kaya maghanda muna siya ng pinakamalupit niyang depensa. "Sinong kausap mo?" tiim

