CHAPTER 40-3

704 Words

"Sige bahala ka," tipid na sagot ko dahil malaking bagay na pumayag si Declan na manatili muna kami dito para makasama ko pa ng matagal ang pamilya ko. "Ayos lang ba sa iyo na manatili dito sa bahay namin?" nahihiya na tanong ko. Wala kasing hotel malapit dito sa amin, probinsya kami at hindi uso dito ang gano'n. May mga sariling bahay ang lahat ng nakatira dito at sa bahay mismo tutuloy ang kahit na sino sa mga bisita namin, mayaman o mahirap man sila. "I don't mind, matatapos din tayo dito at babalik sa Maynila pagkatapos," sagot ni Declan. Nakahiga ako ng maluwag kahit pa nag-aalangan ako. Sa estado ng pamumuhay ni Declan ay hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko siyang matutulog dito. Inabot na ng gabi at tapos na kaming mag-hapunan pero marami pa rin kaming bisita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD