Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Basta ganitong umpukan hindi nawawala ang inuman at kahit may sakit si papa balewala iyon dahil kailangan niyang makisama kaya naiinis ako. "Papa, madaling araw na po. Kailangan mo ng magpahinga, bawal po sa iyo ang nagpupuyat," sabi ko kay papa ng makalapit ako. "Ikaw naman, Liegh, minsan nga lang kami magkasalo nitong papa mo sa inuman patutulugin mo agad," reklamo ni Mang Kanor. Nagtitimpi na tipid akong ngumiti pero konti na lang ang nalalabing pasensya ko at masasagot ko na ang mga ito. Palibhasa mga walang pakundangan sila kung uminom at walang pakialam sa pamilya kaya sige lang sila. Kapag nagkasakit ang papa ko lahat sila walang pakialam kaya ayaw na ayaw kong nakikita na inaaya nila ng inuman ang aking ama. "Sige anak, susunod na ako," sabi n

