Tinitigan ako ng papa ko kaya napalunok ako. Biglang tikom ang bibig ko dahil kilala ko si papa, malakas ang pakiramdam niya at hindi pwedeng basta na lang ako magsisinungaling sa kan'ya ng hindi niya nalalaman ang totoo. "Alam kong mayaman ang naging asawa mo. Itsura pa lang, alam kong mataas ang estado niya sa buhay kumpara sa atin pero gusto kong makasiguro na sa tamang tao ka nagpakasal anak. Wala akong pakialam kung gaano kalawak ang yaman at ari-arian niya kahit pa sabihin na may sarili pala kayong helicopter na sinakyan pauwi dito pero hindi dahilan iyon para isantabi ang tradisyon. Kailangan niyang magsilbi dito sa atin." Nahilot ko na lang ang noo ko, kapag ganitong buo na ang desisyon na papa ay wala na akong magagawa pa. Alam ko ang pinagdaanan niya sa mga lolo at lola ko pero

