"Liegh, tawagin mo na ang asawa mo ng makapag-almusal na siya. Kanina pa abala 'yan, katulong ng papa mo. Uminom lang ng kape at hindi pa kumakain," sabi ni mama ng makita akong magligpit ng mga pinagkainan ng mga kapit-bahay naming nagtulong-tulong para magkatay ng baka. "Sige po," tipid na sagot ko. "Alam mo anak, kami noon ng papa mo, hindi ako kumakain sa umaga at sa gabi kung hindi ko siya kasabay. Hinihintay ko siyang umuwi para magkasalo kami. Ikaw, nasa paligid lang ang asawa mo, hindi ka man lang nag-abala na tawagin at ayain kumain. Hindi gan'yan ang buhay may asawa anak. Sa maliit na bagay, tulad ng pagsasalo n'yo sa hapag ay malaking bagay iyon para lalong maging matatag ang pagsasama ninyong dalawa." Nakikinig lang ako sa pangaral ni mama, hindi ko naman kasi pwedeng sabihi

