"Ayos lang, sanay naman akong pumunta dito saka mas okay na sa akin na narito ako. Hindi ako mabo-boring maghapon," sabi ko ng naupo sa mahabang upuang kawayan na ginawa ni papa sa tuwing may salo-salo kami dito sa bukid "Ayaw kong mapagod ka at ma-stress. Siguradong makakasama sa mga baby natin 'yan." Napangiti ako ng yakapin ako ng asawa ko, pero nangunot ang ilong ko ng maamoy na amoy pawis ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang pawisan dahil laging malinis, mabango and he properly dressed up kapag kasama ko siya sa Maynila. "Hindi ka ba pinahirapan ni papa dito?" tanong ko habang yakap niya ako. "Hindi, sanay ako sa ganito. May farm kami sa bicol and I used to work there every vacation," sagot nito. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam na ang isang Decl

