Naging palaisipan sa akin ang mga salitang binitawan ng mommy ni Declan pero hindi na ako nagtanong. Siguro ay dala ng pagiging writer ko ay malayo agad ang narating ng isip ko kaya heto, daig ko pa ang naglakbay na naman ang isipan ko. "Opo mommy, susundin ko po lagi ang sasabihin ni Declan at mag-i-ingat po ako," magalang na sagot ko. "Very good, one day, dadalawin kita d'yan sa inyo kapag maluwag na schedule ko. Stay safe, okay?" Matagal ng tapos ang usapan namin ng mommy ni Declan pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Ang gaan niyang kausap kahit dalawang beses ko pa lang siyang nakita. Nakakatuwa naman na maayos ang treatment niya sa akin kahit na hindi naman talaga niya ako kilala ng personal. "Madam, gusto n'yo po mag-merienda?" magalang na tanong sa akin ng lumapit na

