CHAPTER 21-2

725 Words

"Nagiging hobby mo na ang magtago ha, Liegh," walang emosyon na sabi nito. Pumikit ako ng mariin, ang lakas rin ng kabog ng dibdib ko na tila ba sasabog ito dahil sa takot. Hindi magandang malapit sa akin si Declan. Siya ang nagpapaalala sa akin ng masakit na nakaraan na pilit kong kinakalimutan. "Afraid, huh, Liegh?" Hindi ako sumagot at tinakpan ko ang dalawang tenga ko. Nagsimula na rin bumalong ang luha sa mga mata ko kaya alam kong sa pagkakataon na ito ay mahihirapan na akong kontrolin ang sarili ko. Ayaw kong makita ako ni Declan sa ganitong state of mind dahil sigurado akong gagamitin niya ito laban sa akin. "What are you going to do? Parurusahan mo ba ako kaya may ipinadala kang mga tauhan mo sa silid ko?" nanginginig na tanong ko. "What did you say?" tanong ni Declan na h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD