CHAPTER 21-3

800 Words

Nangunyapit ako sa braso ni Declan, nakatitig lamang siya sa akin na tila ba pinag-aaralan kung bakit ako nagkaganito pero wala akong oras para magpaliwanag. "Wala akong balak parusahan ka kung 'yan ang kinakatakutan mo. I need you to stay here for your safety," sabi nito. Wala akong na gawa ng hawakan niya ang pulsuhan ko at inaya na pumasok sa loob. Nanginginig ang buong katawan ko maging ang mga binti ko kaya halos wala akong lakas na humakbang papasok. Naramdaman ko na lang na umangat ang mga paa ko sa sahig at para akong idinuduyan sa hangin. Alam ko na binuhat ako ni Declan pero natatakot akong tumingin sa paligid kaya nanatili akong mariin na nakapikit. Sa isang malaki at magarang silid ako dinala ni Declan. Hindi maitatanggi ang yaman at laki ng kan'yang ari-arian dahil sa dise

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD