Chapter 1

2047 Words
"YES! Graduate na gyud ko!!" Walang hiya-hiyang sigaw ni Cathalenna Eresh nang makalabas na sila sa malaking gymnasium sa loob ng pinapasukan niyang University. Limang taon din siyang nagpapakatalino para h'wag mawala ang pinaghirapan niyang scholarship at makuha ang kursong gustung-gusto niyang maabot. "Sister Hermie! Mother Selvie! Look, may diploma na gyud ko," aniya at maluha-luhang iwinagayway pa niya ang hawak-hawak niyang diploma sa harap nina Sister Hermie at Mother Selvie. "Congratulations, Anak." "Congratulations, Lenna," sabay na sambit ng dalawa at niyakap siya ng sobrang higpit. Hindi na napigilan ang luha niyang mahulog mula sa mga mata niya na kaagad naman niyang pinahiran gamit ang likod sa libre niyang kamay. Her heart swelled in happiness. Sobra-sobra ang saya niya. Who would have thought that after five years of struggling in collage, and despite sa mga hirap na pinagdadaanan niya ay ga-graduate siya with high Latin honor. "Thank you, po. Sobra..." aniya nang kumalas na ang mga ito mula sa pagkakayakap nila sa isa't isa. First year high school siya nang maulila siya sa mga magulang. Isang sundalo ang papa niya at plain house wife naman ang Mama niya. Nang mamatay ang Papa niya sa engkwentrong nangyari sa Marawi ay hindi iyon kinaya ng Mama niya at inatake ito sa sakit na hypertension. Nagka-mild stroke ito at dahil dinamdam talaga nito ang pagkawala ng Papa niya ay tatlong buwan lang ang lumipas at sumunod din ito sa Papa niya. Nakakalungkot, pero iyon ang reyalidad na unti-unti na niyang tinanggap. 'Till now, she's on the process of moving on. That was nine years ago though. Nang malaman naman ni Mother Selvie ang nangyari sa mga magulang niya ay kaagad itong nagpunta sa kanila. Dahil matagal nang naging sponsor ang mga magulang niya sa Heart Foundation kung saan ito ang superyora ay kaagad itong nagdesisyong kupkupin siya nang malaman nitong walang mga kamag-anak ng Papa niya ang gustong kumupkop sa kaniya dahil na rin sa hirap ng buhay. Sa side naman ng Mama niya ay hindi niya alam. Wala siyang alam tungkol sa mga kamag-anak nito. Wala ring nakuwento ang Mama niya noong nabubuhay pa ito kung may mga kapatid ba ito o buhay pa ba ang mga magulang nito. Hindi naman siya naghihirap dahil may savings sa bangko ang mga magulang niya para sa pag-aaral niya kaya iyon ang ginamit niya para magtapos ng high school. Pero nang tumuntong siya sa kolehiyo ay nagsikap siyang makakuha ng scholarship dahil gusto niyang makatulong pa rin sa Foundation. Instead na gagastahin niya sa pagkokolehiyo ang perang inilaan ng mga magulang niya sa kanya ay ginamit niya iyon sa araw-araw na maintenance na gamot ng mga batang tinutulungan ng Foundation. Kumuha siya ng scholarship sa ADDU at sa awa naman ng Diyos ay nakapasa siya. Sabay sana sila ni Emerald doon sa PUs pero hindi umabot ang average niya sa standards ng PUs na siyang isa sa mga requirements kung kukuha ka ng scholarship doon. "Congrats, Cathalenna!" Napatingin siya sa lalaking tumabi at bumati sa kanya. Nakita niyang naglalabasan na rin ang mga kasamahan niyang kapwa architecture rin ang kurso sa loob ng gymnasium. "Congrats pud sa imuha, Gerard," nakangiti niyang tugon sa binata. Ngumiwi ito na ikinatawa niya. Alam kasi niyang congrats lang ang naintindihan nito at ang pangalan nito sa dulo. Napangisi siya. "Tsk. Alien ka talaga." Nakasimangot nitong sabi na mas lalong nagpangisi sa kanya. Sabi na nga ba. Palibhasa kasi mayaman kaya hindi sinanay ng mga magulang na magsalita ng bisaya. Oh, well. Ikaw ba naman ang may mga magulang na parehong doctor at may-ari ng isa sa mga malalaki at tanyag na hospital sa buong bansa. Natanong nga niya rito minsan kung bakit hindi ito gumaya sa mga magulang nito pero sinabi lang nito na mabigat ang mga kamay nito, na baka sa halip raw na gumaling ang mga magiging pasyente nito ay baka mas lalo lang daw na lumala. She smiled and shook her head, nang maalala niya iyon. Inalok sila ni Gerard ng mga kasamahan nila na mag-picture silang magka-batch, na kaagad naman nilang pinauunlakan. Pagkatapos ay halos dumugin naman ito ng iba pang mga estudyante lalo na ng mga babae para magpa-picture rito. Gerard Youseff Barcelona was once crowned as ADDU's prince charming. Girls are flocking unto him without too much effort. "CONGRATULATIONS, ATE LENNA!!" sigaw na bungad sa kanya ng mga bata pagkarating nila sa Foundation. May hawak-hawak pa ang mga ito na malaking tarpulin na may picture niya na nakasuot ng itim na toga. Malalaki ang mga letra na naka-print doon na congratulations, kasunod ang buong pangalan niya. Naluluhang nagtakip siya ng bibig para pigilan ang nagbabadyang pag-iyak niya. "Uhh...daghan kaayong salamat sa inyuha," aniya nang makabawi siya sa pagkabigla. Isa-isa niyang nilapitan ang mga ito at niyakap. Masaya niyang ipinagdiwang ang pagtatapos niya sa kolehiyo na alam niyang kasama niya ang mga bata at ang mga taong naging inspirasyon niya sa limang taong paghihirap para matapos niya ang kursong architecture mula nang mawala ang mga magulang niya. "Nasaan si Kitty?" tanong niya sa batang si Jeb-Jeb nang mapansin niya na hindi kasama ng mga ito si Kitty, ang batang siyang dahilan kung bakit nagpupursige talaga siyang makatapos sa pag-aaral para maipagamot na niya ito. Mula nang dumating si Kitty sa Foundation at malaman niya kung bakit ito narito ay kaagad naantig ang puso niya. Pareho silang walang mga magulang pero suwerte pa rin siya dahil trese anyos lang siya nang mawala ang parents niya pero ito ay tatlong taon pa lang. Isang taon na rin mula nang napunta ito rito sa foundation. "Nasa kuwarto niya po, ate Lenna. Kasi po inatake po siya kanina," malungkot na sabi ni Jeb-Jeb. "Ha? bakit?" tanong niya. "Uh, sige Jeb-Jeb pagdula na ug balik. H'wag ka lang masyadong malikot, ha?" aniya sa bata at kaagad iniwan na muna ang mga ito at dali-daling pumasok sa loob ng Foundation. Kinakabahang tinungo niya ang kuwarto ni Kitty. Pagkarating niya sa tapat ng pinto ay hindi na siya nag-abala pang kumatok at pinihit kaagad niya ang seradura at deretsong pumasok siya sa loob ng silid. Nakita naman kaagad niya roon sina Sr. Hermie at Mother Selvie na kausap si Dra. Saavedra, ang doktora na nakatalaga dito sa Foundation. "Nasabi ko na ito sa inyo noon, Mother, na bawal talaga kay Kitty na mapagod ng sobra." sabi ni Dra. Saavedra. "Sorry, doc, hindi lang kasi namin siya matanggihan kanina na tumulong," paghingi kaagad ng pasensya ni Mother Selvie. "It's okay, but next time, please... kailangan talaga na walang malalang pag-atake sa kaniya hangga't hindi pa siya nao-operahan." paalala ng doktora. Marami pang binilin si Dra. Saavedra kina Sister Hermie at Mother Selvie para sa kalusugan ni Kitty bago ito nagpaalam. "Paano, kailangan ko ng umalis." "Sige po, Doc. Maraming salamat ulit." ani Mother Selvie. Sinamahan ni Sr. Hermie ang doktora palabas ng silid. Nang tuluyan ng makalabas ang mga ito ay saka lang siya lumapit kay Mother Selvie. "Mother, kumusta po si Kitty?" nag-aalalang tanong niya sa superyora at kaagad dinaluhan si Kitty na nakahiga sa kama. Mahimbing naman itong natutulog. Kinuha niya ang maliit nitong kamay ang masuyong hinawakan. "Okay na siya, Anak. Napagod lang daw sabi ni Doktora," "Ano po ba ang nangyari? Bakit siya inatake?" Mother Selvie sighed, and sat at the other edge of the bed where Kitty's laying. "Nagpupumilit kasi siyang tumulong sa ibang mga bata kanina para sa gagawing surpresa para sa'yo." Hindi na niya napigilang tumulo ang mga luha niya. Kitty's selfless gesture made her heart ache. Hinawakan ni Mother Selvie ang kanyang mga kamay. "Don't blame yourself, Lenna." Hindi na niya napigilang humagulgol sa pag-iyak. Paanong hindi niya sisisihin ang sarili kung dahil naman sa kagustuhan nitong kasali ito sa gumawa ng surpresa para sa kaniya ay napagod ito ng husto at inatake? Tumayo ito at nilapitan siya at niyakap. "Shh, it's not your fault, Lenna, kaya tumahan ka na." Nang mahimasmasan ay saka lang nagpaalam ang superyora na lalabas na muna. Nagpaiwan na muna siya sa kuwarto ng bata. Hihintayin muna niyang magising ito. God, how could be this angel could be so sweet? Dumukwang siya at hinalikan niya ito sa noo. "Ate Eresh," Napasinghap at awtomatikong napangiti siya nang tinawag nito ang second name niya. Kasabay niyon ay nagmulat ito ng mga mata. "Hi, kumusta ka?" she asked, teary eyed. "Okay lang po," Nakangiting tugon nito. "Ate s-sorry wala ko ka sugat nimo." Ngumiti siya at umiling-iling. "Hindi, okay lang. 'Di ba ingon man ko na 'wag kang masyadong malikot?" "S-Sorry po." anito at bahagya pang pumiyok ang boses. "Gusto ko lang man gud na maging happy ka po." dugtong pa nito. Napangiti siya at tumango-tango. "Mas magiging happy si ate kapag happy ka at malusog, kaya 'wag mo na iyong uulitin, ha?" aniya habang hinaplos-haplos ang buhok nito. Nakangiting tumango naman ito. Napangiti siya nang makatulog ito ulit. Dumukwang siya at hinalikan ito sa noo bago siya tumayo at lumabas ng kuwarto. Tapos na ang kasiyahan sa pagdiriwang ng kanyang graduation kaya dumiretso na kaagad siya sa kanyang kuwarto. Pagkapasok niya sa loob ay deretso siyang humiga sa kanyang kama. Nakadipa at walang imik na nakatingin lang siya sa puting ceiling ng kanyang kuwarto. Nag-iisip. Paano ba niya iiwan si Kitty sa ganitong kalagayan nito? Kailangan kasi niyang umalis papuntang Maynila para mag-review. Libre pa rin kasi ang pagre-review niya for board examination, pero doon na sa ADMU. Noong unang malaman niyang doon siya sa Maynila magre-review ay naging excited siya dahil puwede na niyang puntahan ang best friend niyang si Emerald. She misses her so much. Pero dahil sa nangyari kay Kitty ngayon ay nagdadalawang-isip na siya kung tutuloy pa ba siya. Nabaling ang tingin niya sa may pinto nang may kumatok doon at kasunod niyon ang boses ni Sister Hermie. "Lenna," "Opo, Sister Hermie," tugon niya at kaagad bumangon para pagbuksan ito. "Sandali lang po." "Nasa telepono si Heejhea. Gusto ka raw niyang kausapin." sabi ni Sister Hermie, nang buksan niya ang pinto. Kaagad namang nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig. "Talaga po?" aniya, sa sobrang excited na boses. "Yes." Nakangiting tugon ni Sister Hermie. Kaagad naman siyang nagtungo sa opisina ni Mother Selvie kung saan nandoon ang telepono. Wala si Mother Selvie sa opisina nito nang pumasok siya pero kaagad namang natuon ang paningin niya sa ibabaw ng desk nito kung saan nakita niyang nakaangat na ang telepono mula sa holster nito. Dali-dali naman siyang lumapit at kaagad iniangat ang awditibo. "Hello, Ate Heejhea." "Congratulations, Lenna!" masayang bati nito sa kaniya sa kabilang linya na ikinangiti niya ng malawak. "Salamat po," aniya sa masiglang boses. Hearing ate Heejhea's voice made her mood lightened up. "Isang push na lang, Ate at Architect na po ako." Puno ng sayang dugtong pa niya. Mula nang umalis ito sa Davao kasama ang asawa nito ay dalawang taon din niya itong hindi nakakausap, at nito lang nakaraang taon ito madalas na tumawag sa kanya. "Yes. At ready ka na ba na dito ka muna tumira sa amin habang nagre-review ka?" excited ang boses ng tanong nito sa kanya. Kaagad naman siyang natigilan. Is she ready? Kanina lang pinag-iisipan niya kung dapat pa ba siyang tumuloy. "Hey, Lenna, are you still there?" untag nito sa kaniya nang hindi na siya nakapagsalita. Napakurap-kurap siya. "Y-Yes, nandito pa po ako." Tumikhim pa siya para mawala ang bara sa kanyang lalamunan. "May problema ba?" seryoso na ang boses na tanog nito sa kaniya. Umiling siya kahit hindi naman siya nito nakikita. "Wala naman po, ate Jhea. Is just that mami-miss ko lang po sina Mother at iyong mga bata rito." "At si Kitty..." sabi nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nagyuko ng ulo. Alam nito kung gaano niya kamahal ang bata. Paano at kapag tatawag ito rito ay laging bukambibig niya si Kitty. Naikuwento na rin niya rito ang kalagayan ng bata at ang kagustuhan niyang ipagamot ito. "Nagda-dalawang isip ka ba na pumunta rito dahil sa kaniya?" tanong nito nang hindi na siya nagsalita pa. "Uhmm, mami-miss ko talaga siya." "Ilang buwan lang naman iyon pagkatapos ay babalik ka rin naman d'yan." Marami pang pangaral na sinasabi sa kaniya si ate Heejhea kaya mas gumaan ang pakiramdam niya at nakapag-desisyon ng wala ng bigat sa loob. Para kay Kitty, gagawin niya ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD