ZION 24

1223 Words

Sa halip na sa baba na cr siya nito paihiin ay sa taas siya nito dinala, sa mismong kwarto pa nito. Parang nanumbalik sa kanya ang gabing nagdaan kung saan muntik na may maganap sa pagitan nilang dalawa. Pero sinaway niya naman kaagad ang kanyang sarili. Kung ano anong kababalaghan ang pumapasok sa kanyang isipan at alam niyang di naman nakakabuti ang ganun lalo na sa sitwasyon ngayon. Ayaw na niyang tanungin kung bakit doon sila ng cr, malamang ay umiiwas ito sa mga babae. Good thing nga ang pag iwas nito, akala niya ay magpapakita na ito kanina sa mga babaeng nag-uusap doon sa cr. Which is ipinagpapasalamat na din niya lalo at di naman nila alam kung ano ang maari nilang datnan doon sa loob, maaring may iba pang mga kasama ang mga ito sa loob at maaring ikapahamak pa nilang dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD