Matapos na mai announce ang kanilang pagiging mag fiance ay tila nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko ba ako ang mahal mo Zion? Bakit? May nagawa ba akong di mo nagustuhan kaya mo ito ginagawa?" Kaagad na tanong ni Hannah nang makababa sila ng stage. Di niya alam kung sino ang nag invite sa pamilya ng babae, pare pareho yata ang hulma ng mga ito mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata sa mga ito. Yung tipong mga uri ng babae na kayang ipain ang sarili sa lalaki para lang sa pera. "Stop the act Hannah, di nakakatuwa." Halata ang galit sa boses ni Zion. Tila nasindak naman ang babae sa ginawing iyon ni Zion. "Pero-" "Alam mo naman sa simula palang ay nilinaw ko sayo na di kita type bilang babae, itinuturing kitang nakababatang kapatid ko, pero hanggang doon lang iyon. At sana w

