Tulala parin siya dahil di niya akalain na sa araw na engagement party ni Zach at Beng ay siya ring engagement party nila ni Zion. Sobrang bilis ng mga pangyayari, di na siya nagulat pa nang malamang ready na ang kanyang damit na susuotin kahit umaga lang sila nagkaroon ng matinong usapan sa kasal, kung matino mang matatawag ang pag uusap nilang iyon kanina. Di siya ready sa pag aasawa pero sa isang iglap lang ay nagawan na kaagad ng mga ito ng paraan para maisakatiparan ang nakatakda. Ang kapalaran niya sa piling ni Zion. "Ayos kalang diyan?" Medyo napakislot pa siya nang malingunan si Zorrenn at si Zandro. Kanina pa dumating si Zandro at natuwa naman ito nang malamang di pala siya ang magiging asawa ng ama. "Ayos lang ako, medyo di lang talaga ako makapaniwala na mag aasawa na ako.

