ZION 1

1127 Words
Mainit ang ulo ni Zion habang papasok sa gusali kung saan nag oopisina ang kanyang kakambal na si Zeus. They are both working in a case where they need to stay longer in LA, maganda naman ang kinalabasan ng kaso nila at hinihintay nalang nila na ma dismissed ang kaso so they can fly back to Manila. Maybe in a week or so, ay maari na silang makauwe ng bansa lalo na ngayon na kinakailangan na nila talagang makauwe dahil sa mga pinaggagawa ng kanilang ama, sinasaway pa siya nito sa kanyang pagpapalit palit ng babae. Tapos malalaman laman nalang niya na ikakasal na ito ngayon sa isang batang bata pang babae na may tatlong anak. Ayon sa kanilang tiyahin ay triplets diumano ang anak ng babae at nakatakda na ampunin ng Daddy nila ang mga bata once na maikasal na ang dalawa. Naiisip palang niyang makikita niyang ikinakasal ang Daddy nila sa isang batang bata pa ay kinikilabutan na siya. He uses the lift for the VIP para mas mabilis lalo na at medyo pagod na pagod siya. May pinuntahan sila ng kanyang client na makakatulong daw sa kanilang kaso, maayos naman ang kinalabasan ng kanilang lakad. Ngayon nga ay natanggap naman niya ang balita tungkol sa kanilang ama. Dalawa lang silang magkapatid kaya naman ay sobrang tutok sa kanilang dalawa ang kanilang ama. May kapatid naman sila sa ina na dalawa, bagamat ang ama nila ang nagpalaki sa mga kuya nila ay iba parin ang pagtutok na ginagawa ng kanilang ama sa kanila ni Zeus. Pawang sunod sunoran kasi ang dalawa nilang kuya sa Daddy nila, binigyan din ang dalawa ng pantay na trato kagaya ng pagtrato sa kanila na tunay na anak nito. Tinawagan na niya ang kanyang kuya Zandro, tumawa lang ito nang magsumbong siya sa kanyang nalaman mula sa tita nila. Alam niyang matagal ng type ng kanilang tita ang Daddy nila, sadyang di lang mahilig ang Daddy nila sa mga submissive type na babae. Masyado kasing halata ang tita nila, to the point na halos isubo na nito ang sarili sa Daddy nila. Ayaw din naman niya ng ganung klase na babae. Mas gusto niya iyong may konting thrill at angas, yung tipo ng babae na kayang kaya siyang paluhorin sa mga pagkakataon na mali sya. "What brought you here?" Tanong kaagad sa kanya ng kakambal na abala sa mga papeles na nasa table nito. "Tinawagan ka din ba ni Tita Nes?" Tanong kaagad niya dito. "Tita Nes? I think so, pero kanina pa naman yun. I didn't get a chance to answer her call, for sure tungkol na naman sa pagsintang purorot na naman niya kay Daddy ang sasabihin nun. "Yeah sort of, pero this time Daddy is getting married daw." Sabi niya, natigilan naman ito sa sinabi niya. Simula nang mamatay ang Mommy nila fifteen years ago ay di na nagawa pang magka love life ng kanilang Daddy. Or maybe nagkaroon man pero it's just a fling thing, they don't get a chance to know if he is dating again. "Come on he really deserves it, hayaan na nating sumaya yung matandang yun. I love Dad and if that makes him happy then why not?" Kibit balikat na sabi nito sa kanya. "I'm not against Daddy being happy, to be honest, I want him to be happy too, especially at his age. But this situation is different." Giit niya. "Then what is this situation that Dad is going through right now?" Tanong nito na saglit huminto sa ginagawa at nilaro laro sa kamay ang ballpen. "He is getting married with a young single Mother with a triplets." Sagot niya dito. "Wow interesting, uwi tayo I am so excited to meet the triplets." Sabi nito. Di niya alam if oa lang ba talaga ang tita nila sa pagkwento. Sabi pa nito na posibleng pera ang habol ng babae sa Daddy nila, di niya lang masabi sabi sa Tita niya na matagal na walang yaman ang Daddy nila. Ipinamana na nito sa kanilang apat ang yaman na meron ito. Ayaw pa ngang tanggapin ng dalawa nilang kuya that time kasi may sariling ama naman daw ang dalawa. Pero naging mapilit si Daddy nila. Ngayon kung mag aasawa man ito ng mas bata ay wala namang problema dahil wala naman gaanong yaman ang Daddy nila, kaya lang ang inaalala niya ay baka isang oportunista ang babaeng nahanap nito para maging madrasta nila. This is so awkward na mas bata pa sa kanilang magkambal ang kanilang step mother. "Di kaya gumagawa lang si Dad ng issue para mapilitan tayo na maghanap ng mapapangasawa natin?" Tanong niya sa kakambal. Tila napaisip naman ito sa sinabi niya. "Sa ating dalawa ay sayo siya mas nag aalala dahil di uso ang steady girlfriend sayo, you change your girlfriend like the way you change your briefs." Natatawang pang aasar pa nito, partly ay totoo naman ang sinasabi nito na mahilig siyang magpalit palit ng girlfriend na parang wala lang. "It's just that I can't see my future with those sluts." Sabi niya dito. Madalas siyang makipag hook up sa kung sino sino, natatakot na din naman siya minsan at baka mahawaan siya ng STD sa kanyang mga ginagawa. Lately madalang nalang niya gawin ang mga ganun dahil nag iingat na din siya, nalaman niyang isa sa dati niyang naging kaklase sa harvard ang nagkaroon ng STD, kaya naalarma siya kaya nakapag pacheck up siya ng wala sa oras. "Try to have a longer relationship with any woman in our field." Suggestion pa nito sa kanya. Iyon ang big no sa kanya, karamihan sa mga nasa field nila ay ang tipo ng babae na will compose, sila ang mga tipo ng babae na independent at di kinakailangan ng lalaki para mabuhay. Ang gusto niya ay yung may angas pero hindi yung tipong isang mali niya ay babasahan siya ng article ng batas. Meaning to say ayaw niya sa kapwa niya abogado, mahirap na makipagtalo sa mga ganung tao. " Alam mo naman na di ko type ang mga babae sa field natin." Sabi niya na naupo sa couch na nasa harap ng disk nito. "Whatever so what is your plan?" Tanong nito sa kanya, ano nga ba? Will gusto niya na makita at makilala ng personal ang babaeng muling nagpatibok ng puso ng ama nila. "We need to go home." Sagot niya dito. Sa kanilang dalawa ay siya ang mahilig na mag decide habang ito naman ay tumatango lang sa mga gusto niyang mangyari. "Okay, pero tapusin na muna natin ang kaso na ito. Para pahinga na tayo nakakastress ang mga gusto ng client." Sabi nito. Nang pauwe na ay naiisip niya na gawan ng paraan na mapaiksi ang time nila doon. At alam niyang kaya nila iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD