ZION 2

2009 Words
Sabay silang dumating ni Zeus sa bansa pero naghiwalay sila pagdating sa airport. Habang nasa eroplano kanina ay hinanap niya ang mukha ng babaeng FA na nagwowork sa airline company ni Vince. Nawala na yun sa isipan niya, naalala niya lang kanina nang makasakay na sila, he love how her lips curve each time she smile. Yung malalalim na dimples na nakakabighani at katawan na parang nang eengganyo na hawakan niya. Pakiramdam niya ay naging manyakis siya nung time na makita niya ito. At bigo siya nang araw na iyon na makita ang babae, marahil ay iba ang flight na nasakyan nito ngayon. Gusto niya sanang ipagtanong ang pangalan at kung single pa ang babae pero nagmamadali silang magkaibigan nong mga time na yun kaya hanggang panghihinayang nalang talaga siya. Siya ang tipo ng tao na bihirang bihira na humanga sa ganda ng isang babae at masasabi niya na isa ang babae sa may pinakamagandang mukha na kanyang nakita sa kanyang buong buhay. "Si daddy?" Bungad niya kay Manang Ising pagkabukas sa kanya ng gate ng kanilang malaking bahay. It was their ancestral home na itinayo mula pa noong 1980s, nakailang repair na rin sila at hindi magawang pakawalan ng daddy niya ang property na yun lalo na at doon bumuo ng pamilya ang kanyang mga magulang, sa bahay na iyon sila lumaki na magkakapatid. A lot of memories kaya naintindihan nila yung Daddy nila. "Nasa taas na po sir at nagpapahinga na po at napagod sa pakikipaglaro sa triplets." Nakangiting sagot nito sa kanya. Isa sa pinakamatagal ng naninilbihan sa kanila si Manang Ising at ang pamilya nito, driver nila yung asawa nito at halos ang pamilya na nila ang nagpaaral sa mga anak nito. Kaya alam niya na kahit ang mga ito lang ang kasakasama ng kanilang ama ay panatag silang nasa mabuti itong kalagayan at di ito pababayaan ng mag-anak. "Nandito ang mga anak ng babae niya?" Kunot ang noo na tanong niya. "Opo nasa dulong bahagi po yung silid ng mag-iina, mababait naman yung mga bata at nakikita ako na masaya si Sir. Para siyang bumata ulit ngayong nandito ang mga bata. " Magiliw na sabi nito, kahit anong gawing sabi ng babae na maganda tungkol sa mga bagong miyembro ng pamilya nila ay hindi niya magawang maging masaya. Parang may bahagi ng puso niya na tumututol sa desisyon ng ama nya. Matagal na silang inuungutan ng apo nito mula sa mga kuya niya hanggang sa kanila ng kakambal niya, pero dahil sa pagiging career oriented nila ay hindi man lang sumagi sa isip nila na magkaroon na ng pamilya. Personally ay may struggle talaga siya sa pagkakaroon ng love life feeling niya kasi parang wala pa naman siyang makitang babae na kaya ang pang matagalan na relasyon. "Be good to her." Sabi ng daddy nila sa kanilang dalawa ni Zeus nang kanilang sitahin tungkol sa pagkakaroon nito ng fiance na batang bata pa. "Dad hindi mo naman kailangan gawin ito sa amin, soon magpapakasal na naman itong si Zeus for sure mabibigyan ko niya agad ng apo." Sabi niya pa. "Hell no, walang wala sa isip ko ang magkaroon ng asawa sa ngayon. Besides I already married, kailangan ko lang siyang hintayin. " Sabi pa ng kakambal niya. Alam naman niya na ikinasal na ito noon sa isang prinsesa na batang bata pa. Siguro nasa 18 years old palang ngayon ang edad ng napangasawa nito. Pero ayon dito ay marami pa daw pangarap ang napangasawa nito lalo at batang bata pa noong panahon na naikasal ang dalawa. Habang siya naman at ang mga kuya nila ay papalit-palit na nobya di naman niya gustong maging pabling sa paningin ng mga tao sa paligid niya, besides is not good for his reputation as a sought after bachelor lawyer in town. Ayaw na ayaw niya ang may naaapi lalo na yung mga kababaihan, kaya as much as possible sa una pa lang ay sinasabi niya na sa mga babaeng naiuugnay sa kanya na wala sa plano niya ang pagseseryoso. He didn't see himself marrying at this moment, para kasi sa kanya ang pag-aasawa ay isang lifetime commitment kaya hindi kinakailangan na magmadali. He want to enjoy first his freedom and once the right woman came he will definitely marry her at the right time. "Ilang beses na kitang sinabihan Zion, stop jumping from one bed to another. I'm not getting any younger, I want to carry a baby again." Sabi ng Daddy niya. "Bagong panganak yung asawa ni Damon Dad we can borrow his baby para makarga nyo." Sabi niya na agad siyang binatukan ng Kuya niya na kakarating lang. "Tumigil ka nga sa pamimilusupo mo, anyway her name is Roan and she is a wonderful woman. She raised her sons so well, magalang, mababait at mga bibo." Nakangiting sabi ng Daddy nila, bakas ang pagmamalaki nito sa sinasabi nitong babae na nagngangalang Roan. Iniisip niya kung magkano na kaya ang nagastos ng Daddy niya sa mag iina. Di na siya magtataka pa kung malaki ang mababawas sa savings ng kanilang ama. Lalo tuloy siyang na curious sa Roan na sinasabi ng ama. Alam niyang nasa isa sa mga sulok ng bahay nila ang babae. "Dad what if mag asawa si Zion? Papayag kayo na wag ng pakasalan si Roan?" Tanong ni Zeus sa kanyang ama na bahagyang natawa sa sinabi ni Zeus. "Anong magagawa ko kung wala pa talaga akong mapili. Wag mo nga akong ilalagay sa alanganin, gusto na muna naming makilala ang Roan na ito." Sabi niya. Natapos ang naging pag uusap nila sa paghahanap niya daw ng mapapangasawa, nandiyan naman ang Kuya Zorrenn at Kuya Zandro niya para kulitin niyang mag asawa na. Pero siya talaga ang pinag iinitan ng mga ito, nalaman pala ng Daddy niya na nagbabalak na naman ang kababata niya na pikotin siya at ipinagkakalat na sa mga kakilala nila na engage na silang dalawa. " Kilala mo ang likaw ng bituka ni Hannah, alam mo na gagawa at gagawa ito ng paraan makuha lang ang gusto niya. Kagaya ng ginawa nila kay Kuya Zandro." Sabi ni Kuya Zorenn, muntik mapikot ang kuya nila kung di lang dumating ang isa pa nilang pinsan na babae ay baka naikasal na ang kuya niya sa kapatid nito. "Di naman ako natatakot dun, besides lagi naman akong wala dito." Sabi niya dito. Di naman sa takot siya kaya siya layas ng layas, gusto niya lang ng kaunting adventure sa buhay niya. Kaya nga patago silang sumali sa Tiger head noon, idinamay na din niya ang nananahimik niyang kakambal kaya ayon dalawa silang kabahagi ng organisasyon. "Paano kung kausapin ka ni Ninang? na pakasalan mo nalang anak niya?" Tanong ni Kuya Zorrenn. "f**k, ano yun parang nag aalok lang na kukunin akong Ninong ng anak niya, ano siya hilo?" Parang nakakainis ang ganung scenario hopefully ay wag mangyari ang ganun at baka makapagsalita siya ng di maganda kahit pa sabihin na mas matanda ito sa kanya. "Yun ang inaalala ng Daddy mo alam mo naman kung gaano kalapit ang pamilya natin sa kanila, lalo na ang lola mo baka gamitin nila ang lola mo para mapasunod ka." Sabi ni Kuya Zorrenn niya. "Bakit ako lang ang inaapura nyo? Ikaw pwede ka ding pikutin a." Angal niya pa. "Di niya ako type at ayos lang din naman dahil di ko din naman siya type." Natatawang sabi pa ng kuya niya. "Pwera biro seryuso nga yata ang babaeng iyon na masilo ka. Tingnan mo bukas pag nalaman nun na dumating ka wala pang alas otso nandito na iyon." Sabi ni Zeus, alam naman niya ang mga galawan ni Hannah at di naman siya nagpapakakampanti. Sa ngayon ay hindi pa naman niya masasabi na nasa level ten na ang banta ng babae sa kanyang pinakamamahal na freedom. Hindi pa ito ang babaeng makaka-trap sa kanya sa kasal. Papaliko na sila papunta sa kani kanilang mga silid nang makita nila ang tatlong batang lalaki na nag uusap sa may harap ng aquarium ng bahay nila. Matataba ang mga ito at mapuputi ang mga balat, mukhang masarap na makalaro ang tatlong bubwet. "O he can't swim!" Tila natataranta na sabi ng bata nang makita ang isang isda na di makagalaw. "Is he dead Kuya Artemis? Kuya Apollo bakit siya dead?" Parang naiiyak na ito habang nakatitig sa isda. "I don't know, what did you do Orion?" Tanong ng isang bata dun sa batang naka dilaw na sando. "I think he is just trying to catch his breath. He move!" Bulalas ng isa pa. Napahinto silang tatlo habang nakangiting nakatitig sa tatlong bata na tila nagtatalo. "If he die, makikita ba niya sila Mama at Papa sa heaven Kuya Apollo?" Tanong nung tinawag na Orion. "Maybe yes maybe no, if he is bad he will probably go to hell." Sabi naman nitong Apollo. "I think we should ask mommy about it." Sabi ng Artemis. "Do you think we can stay here until our third birthday?" Tanong ni Orion. "I don't know, I miss our house gusto ko makita ang picture ni Mama." Sabi ng Orion. "Ako ayoko malayo kay Mommy, sabi naman ni Mommy diba Mama and Papa is not here physically pero nasa paligid lang sila watching us." Sabi ni Apollo. Mukhang matatalino ang mga ito. "If she marry Papu, ibabalik ba niya tayo sa house tapos iiwan na tayo doon?" Inosenteng tanong nito sa kapatid. "Mommy love us, diba nga di ka niya binigay doon sa bad na malaki ang mata na lady. Kaya kung nasaan siya dapat nandun din tayo." Sabi ni Artemis sa kapatid. "Kuya I'm hungry na." Sabi ni Artemis sa kapatid na nakatayo sa tabi nito. " Sobrang galit naba ang worms mo?" Tanong ni Orion kaya napahalakhak na silang tatlo. Napalingon ang tatlong bata at umaktong parang nag kakarate ang porma ng mga ito. " Cute, Hi boys I'm Zion, this is my twin Zeus and this is Zorrenn. You can call us kuya." Sabi niya na inilahad ang kamay sa mga ito. "Anak kayo ni Papu?" Inosenteng tanong nito sa kanya. "Yes po," sagot ni Zeus sa tanong nito. "Wow, mabait po ba kayo?" Tanong ni Orion. "Ako yes, ewan ko lang sa dalawang ito." sabi ni kuya Zoreen nila. "Can we be friends?" Tanong niya sa tatlong tila nag sesenyasan. Mukhang di nila madaling mauuto ang mga ito. "We will ask Mommy first, baka bad guys kayo e." Sabi ni Apollo na ikinamangha nila. Narinig nila ang pagtunog ng tiyan ni Artemis. "Di pa kayo kumain?" Tanong niya sa bata. "Di pa e, mommy is sick. She has a fever dapat uuwe kami today sa house namin po." Sagot ni Apollo. "Wui Apollo, Artemis, Orion nandito lang pala kayo. Ibinilin kayo sa akin ng Mommy nyo, kumain na kayo." Sabi ng humahangos na si Nena. Matagal na ang kasambahay sa kanila, kaya naman ay kilala na nila ito. "Nasaan ang Mommy nila Nena?" Tanong niya dito. "Nahawaan ng bulutong ni Ding, kaya sa akin muna ibinilin ang tatlong itlog na ito at baka mahawaan niya." Paliwanag nito. So that's explain why. "Tara boys kain na daw tayo." Sabi niya na kinarga si Orion, tila nagulat pa ito sa kanyang ginawa pero di naman nag reklamo. "Tita Nena pwede po bang konting Vegetables lang po sakin." Sabi ng batang karga niya. "Naku baby wala naman akong iniluto na vegetables. Pwede ba kayo sa adobo may potato naman yun?" Tanong nito sa mga bata. "It's not okay po Tita Nena, sabi po ni Mommy we should eat what's in the table po." Sagot ni Artemis. Magkasama silang dumulog sa hapag kainan, at habang nakatitig siya sa tatlong bata ay tila napaisip siya, tila nakakainggit ang magkaroon ng ganitong mga bata sa bahay. Parang nakakaalis ng pagod ang bawat ngiti ng mga ito. "So do you consider marrying now?" Pabulong na tanong ng Kuya niya. Napailing nalang siya. Hindi niya alam kung bakit naisip niya na maganda ang magkaroon ng mga batang magugulo sa bahay nila. Parang masyado lang yata siyang pagod ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD