ZION 3

2104 Words
Di nga siya nagkamali dahil kinabukasan ay maagang maaga palang nasa bahay na nila si Hannah, gusto pa naman sana niyang makipaglaro ng basketball sa mga bata. Narinig niya kasi kahapon na marunong maglaro ng basketball ang triplets sabi ng Daddy nila. Apat na araw na pala sa kanila ang mag ina, ayaw nga daw sana ng babae pero nagpumilit ang Daddy niya na manatili ang mga ito doon lalo at nakakahawa ang bulutong sa mga bata. "Nasa labas ang future mo." Sabi ni Zeus na siyang napagbuksan niyang kumakatok sa pinto ng kanyang silid. "Sino?" "Yung mapapangasawa mo, hehe Hannah is downstairs ini interview ng tatlong interviewer." Natatawang sabi nito sa kanya. Pababa na din naman siya naririnig na niya ang malakas na halakhak ng babae malayo palang. "Ang aga niya namang sirain ang umaga ko." Himutok niya habang naglalakad papalabas, alam naman niyang di siya titigilan ng kakambal hanggat di siya lumalabas ng kanyang silid. Kailangan niya lang na maging maingat sa babae lalo na at sobrang hilig nitong umastang nobya niya kahit pa may ibang tao sa paligid. "Kung mag aasawa kana ay tiyak na mawawala nalang iyan na parang bola." Sabi pa ng kakambal niya, dinig na dinig niya ang babae at mga bata malayo palang. "Ang ganda nyo po Lady Hannah." Dinig niyang puri dito ng isa sa mga bata. "Thank you, ang cute nyo ding tatlo. Pag ikinasal kami ni Zion pwede ko ba kayong ampunin?" Sabi pa ng babae, parang lumamig ang sikmura niya sa sinabing iyon ng babae. Bangungot nga ang dala ng babae sa buhay niya, di niya mapapayagan na maikasal ang sarili sa babae kahit na ito nalang ang matirang babae sa mundo. Maganda naman ang babae, edukada, at mula sa kilalang pamilya pero wala talaga siyang makapang anumang atraksyon man lang para dito. Parang nakababatang kapatid lang ang tingin niya dito. "No po, di po kami pwede na malayo kay Mommy, mumultohin po siya ni Papa at Mama." Sabi ni Orion. Sa tatlo ay si Orion ang mabilis mong makikilala dahil mas whiter ang complexion ng bata compared sa dalawang kapatid nito. "Ow, okay I wanna ask your Mommy nalang if paano gumawa ng triplets, sabagay nsa genes na nila Zion ang may kambal." Tila nangangarap na sabi ng babae. "Run while you can." Bulong ng kakambal niya sa kanya. Sa halip na bumaba ay sa isang secret room siya nagtago. Hindi niya pwedeng baliwalain ang banta ng babae sa kanyang kalayaan. Alam niyang kaya ito naroon ngayon sa bahay nila ay upang makahanap ng pagkakataon para masilo siya, alam naman niyang hindi siya ilalaglag ng kanyang mga kapatid o ng kanyang ama pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagtatakpan siya ng mga ito. Paano nalang kung dumating ang time na pumunta ito tapos wala naman silang ibang kasama alam niyang matalino ang babae at gagawa at gagawa ito ng paraan para makuha siya. Noon pa man ay tahasan na nitong sinabi na gusto siya nito, nagustuhan daw nito sa kanya ang kanyang pagiging responsable sa mga bagay bagay lalo na tungkol sa pamilya. Nung una ay tinatawanan niya lang pero ngayon ay iba na, parang kinikilabutan na siya sa tuwing naririnig niya ang tungkol sa pag-aasawa daw nilang dalawa. Hapon na ng umalis ang babae, mabuti na lang at may pagkain sa loob mismo ng kanilang secret room. Punong-puno ang ref nun ng mga groceries, at tanging si yaya lang nila ang may Access sa silid na iyon. Nagulat pa siya ng paglingon niya ay nakita niya si yaya Minda nila na nakatayo malapit sa may pintuan. Matagal na rin simula ng ma biyudo ang kanyang ama at inaakala nilang wala na itong balak na mag asawa. Ilang beses niyang nahuhuli dati na natutulog sa loob ng silid ng kanyang ama ang Yaya nila. Alam niyang nasasaktan ito ngayon na nakikitang masaya ang Daddy nila sa ibang babae na mas bata dito. Matandang dalaga na si Yaya nila sa kakaalaga sa kanilang magkapatid. Eighteen ito nang magsimulang magtrabaho sa kanila bilang yaya nila ng kakambal niya mga nine years old yata siya noong mga panahong iyon, ayaw nga sana ng daddy niya kasi bata pa daw masyado ang alam niya kasabay nila itong nag-aaral ng high school. At mula noon ay di naman umalis sa kanila ang yaya niya kahit na nong naka-graduate na ito as midwife. "Yaya ikaw pala." Sabi niya dito, nakita niya ang tila lungkot sa mukha nito. "Pinuno ko ang ref nyo sabi kasi ni Zeus uuwe kayo ngayon." Sabi nito. Halata ang pananamlay sa tinig nito. "May gusto lang sana akong hinging pabor sayo anak." Sabi nito mamaya maya. "Upo po kayo Yaya, nakakangawit na tumingala e." Biro pa niya dito, pero di naman natawa ang ginang sa joke niya, masyado kasing lame ang joke na alam niya. Umupo naman ito sa bakanteng upuan na nasa malapit sa pinto, halata ang tila pangangayayat nito. Hula niya ay nasa thirty seven na ito ngayon, di na nga tuloyang nakapag asawa. Akala nila ay ito ang aasawahin ng Daddy nila dahil ito ang madalas na kalambingan noon ng ama nila. "Ano po ang pabor na hihingiin nyo sa akin?" Tanong niya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Pwede mo ba akong tulongan na magpaalam kay Daddy mo? Gusto ko na umalis bago paman sila maikasal ni Roan." Sabi nito. Alam niyang mahirap nga naman ang sitwasyon nito ngayon. Ang sakit siguro na tanggapin na ikakasal sa iba ang taong mahal mo. "Gusto nyo po bang sa akin nalang kayo, malayo naman dito kay Daddy ang bahay ko." Sabi niya dito. Wala naman siyang kasama sa bahay niya kundi ang dalawang kasambahay niyang stay out. MWF lang ang pasok ng kanyang tagalinis at isang beses naman ang taga laba niya. Para kahit papaano ay may pagkain siyang maayos ayos pag kasama niya ito, lalo sa trabaho niya ay madalas na wala siyang time na magluto pa lalo at di naman siya marunong din. Siya lang sa kanilang magkapatid ang di marunong magluto. Madalas na kung hindi sunog, maalat, maasim o lasang medyas daw ang luto niya, kaya nabuhay siya sa kakaorder lang sa mga restaurant. "Buntis ako Zion at di ko kakayanin na magtrabaho pa." Sabi nito na ikinamangha niya. "Alam ba ni Daddy?" Tanong niya dito. Di na siya magugulat pa kung kapatid nila ang nasa sinapupunan ng kanyang Yaya. Parang gusto niyang bugbogin ang Daddy nila sa kanyang nalaman ngayon. Paano nito magagawang iwanan ang sariling anak nito at ipagpalit sa mga batang di naman nila kaano ano. "Nung time na sinabi ko na buntis ako ay break na kami, kaya nung inalok niya ako ng kasal ay tumanggi ako. Nag aalala kasi ako sa sasabihin niyong magkapatid lalo at Yaya lang ako dito." Nakatungo ang ulo na sabi nito. "Yaya kilala kana namin at kilala nyo na naman kaming magkapatid, alam niyo dapat na di kami tumitingin sa katayuan ng isang tao. As long as mamahalin nyo si Daddy ay walang problema sa amin." Sabi nito. So tinanggihan nito ang kasal na alok ng kanyang ama at marahil kaya nito inaya na magpakasal yung Roan ay para paghigatihan ang kanyang Yaya. Ngunit paano na pag naikasal na si Daddy nila kay Roan ano na ang mangyayari sa mag ina ng Daddy niya. "Pumayag na sana ako kaya lang nang kakausapin ko na siya ay saka niya sinabi na ikakasal na siya kay Roan. Alam ko naman na kasalanan ko din dahil tinangihan ko." Umiiyak na sabi nito. "O Yaya, di ko alam kung paano ko kayo i comfort. Ngayon na ganyan ang sitwasyon nyo ay mas lalong dapat na isama ko nalang kayo sa bahay ko. Di po kayo pwedeng umuwe ng probinsya niyo." Sabi niya dito. Naikwento nito na nananakit pag nalalasing ang nakakatanda nitong kapatid, iniisip niyang baka kung ano ang mangyari dito at sa kapatid niya. Tumayo ito at kumuha ng tubig sa loob ng ref. At uminom. "Kung pakasal nalang kaya tayo Yaya?" Naisip niyang sabihin mamaya maya. Naibuga nito ang iniinom na tubig sa kanyang sinabi, sinamaan siya nito ng tingin dahilan para matawa siya. "Siraulo ka talagang lalaki ka, mana ka talaga sa ama mo na abnormal!" Halatang nainis ito sa kanyang sinabi. "Why not? Kapatid ko naman yang nasa sinapupunan mo diba at least sure ka na mamahalin ko ang anak mo kasi kadugo ko." Sabi pa niya. "Ayoko, period. Ayoko na maging father in law ko ang ama ng anak ko, tapos apo niya na ang sarili niyang anak. Sus ginoo nasaan ang delikadiza ko kung magpapabembang ako sa inyong mag ama." Tila hilakbot na bulalas nito. "Okay hehe joke lang naman. Baka pinagseselos kalang ni Dad kaya niya sinabi na ikakasal na siya." Sabi niya dito. "Bakit niya ipapakilala sa inyo kung di siya seryuso sa babaeng iyon?" Naiiyak na naman na sabi nito. Di niya alam kung paano aaluin ang babae sa pag-iiyak nito, alam niya kung gaano hirap para dito ang makitang magkasama ang kanyang ama at ang fiance nito. Kaya marahil ay gusto na lang nito na umalis na lang. "Kahit naman hindi pumayag si daddy na umalis ka ay wala naman siyang magagawa kung gusto mo." Sabi niya dito. "Ayoko siyang makausap, naintindihan mo naman diba kung bakit?" Sabi pa nito. Parang gusto niyang mang asar ngayon, alam niyang may hindi tama sa mga nangyayari sa buhay ng ama nila at mukhang kailangan nilang tumulong na magkapatid. "At least magkaroon kayo ng closure." Sabi niya dito. Alam niyang maari pang mabago ang desisyon nito once na makapag usap ng maayos ang dalawa. Alam niyang pinakaayaw ng Daddy nila ang lumaki ang mga anak, apo o kahit na sino na broken family. "Oo pwede naman akong umalis nalang ng walang paalam, pero gusto ko kasi na di na umuwi sa pamilya ko sa probinsya. Kinamkam na ng kuya ko ang pundar kong bahay at wala na din akong uuwian pa na mga ari arian ng mga magulang namin dahil nabenta na lahat ng Kuya ko. Gusto ko sana na kunin ang separation fee ko mula sa ilang taon ko na pagtatrabaho sa inyo para makapagsimula ako sa malayo." Sabi nito, magiging mahirap nga ang sitwasyon nito kung saka sakali mang makaalis ito. Kinakailangan nitong i shoulder ang lahat ng responsibility bilang magulang sa kapatid nito ng mag isa. Habang binubuhay ng ama niya ang anak ng ibang tao, parang gusto niyang mainis sa kanyang ama, pero ayaw naman niyang husgahan kaagad ang Daddy niya. "Ganito nalang kakausapin ko siya, tapos kausapin mo na din dahil di ko na din naman alam ang details ng card mo. Tsaka baka gusto niyang magbigay ng sustento para sa baby." Sabi niya dito. Sa atm nila inilalagay ang sahod ng mga kasambahay nila at iba pang staffs sa bahay nila even before para naman mas safe para sa kanila. May mga incident kasi na nawawala pag cash ang kanilang ibinigay at least pwedeng mag save ang mga ito ng pera pag may sobra sa pangangailangan ng mga ito. Tila nagalit naman ang babae sa sinabi niyang iyon. "Kanya na ang sustento niya, kaya kong buhayin na mag isa ang anak ko. Yung anak ng iba ang sustentuhan niya total yung nanay naman ng mga iyon ang papakasalan niya!" Sabi nito. Napakamot naman siya sa ulo sa sinabing iyon ng babae, alam niyang wala lang itong choice kaya siya hiningan ng tulong. "Karapatan din po yun ng baby Yaya, bilang ama ay obligasyon niyang magbigay ng sustento sa inyo ng bata." Sabi niya dito. "Matutulongan mo ba ako o hindi? Ayos lang naman sa akin kung ayaw mo din o sinabihan ka din ng Daddy mo na wag akong kausapin." Sabi nito na parang ikinataranta niya. "Di naman sa ganun Yaya-" "Okay lang po Sir naiintindihan ko po," nagpunas ito ng luha na tumayo. "Ako na po ang magbibigay sa inyo Yaya." Sabi niya na kumuha ng pera, pero bago paman ay nakalabas na ito ng secret room nila. Feeling niya ay magkakaroon ng matinding gulo sa bahay nila, mukhang may kung anong niluluto ang ama nila. Di niya lang malaman kung ano ang gusto nitong mangyari ngayon. Di naman siguro basta basta na tatalikuran ng ama ang obligasyon nito lalo na at may baby na involve. Iniisip niya na posibleng may ibang lalaki na involved kaya ganun kadali sa Daddy niya ang magpakasal nalang sa iba kaysa sa babaeng nabuntis mismo nito. Marahil ay may mabigat itong rason para gawin ang ganun sa Yaya niya, sana lang ay di nito pagsisisihan ang naging desisyon nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD