ZION 4

1100 Words
Napatiim ang bagang niya habang nakatitig sa babaeng papakasalan ng ama niya, sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit ito pa?. "Zion, Zeus at Zorrenn this is Roan and her children Apollo, Orion at si Artemis." Pakilala ng Daddy nila sa babaeng katabi nito. She is familiar to him of course dahil ito ang babaeng flight attendant na hinahanap hanap niya tuwing may flight siya. Sayang type pa niya naman sana ito pero ito ang daddy niya ang papakasalan nito ngayon. Wala siyang inintindi sa pag uusap ng mga ito basta mainit lang ang ulo niya, di niya lang maipakita dahil kaharap ang mga anak ng babae. "Nasaan na ang ama ng mga bata? If you don't mind?" Out of nowhere ay tanong niya dito, malay nila na baka kung kailan kasal na ang Daddy at si Roan ay saka naman dumating ito upang manggulo. Their father is not that old pero hanggat maaari ay ayaw nilang bigyan ng anumang sama ng loob lalo na at di naman worth it. "Patay na sila." Mahinang sabi ng babae, napatango tango naman siya sa sinabing iyon ng babae. Sa isip niya ay umaasa siyang di na sana matuloy ang kasal ng mga ito. Gusto niyang ang Yaya nila at ang Daddy niya parin ang maging mag asawa. Alam niyang sobrang napakasakit niyon para sa Yaya nila. Di niya lubos maisip kung paano nito iniluwal ang tatlong bata, she seem too small para sa pagbubuntis ng tatlong bata, marahil ay kinakailangan na i undergo ng caesarian section kagaya ng mga asawa ng mga kaibigan nilang may anak na kambal, kambal palang iyon what if kung ganitong triplets pa. "Orion kainin mo yang vegetables mo, lagot ka Kay mommy pag makita niya yan!" Dinig niyang bulong ni Artemis sa kapatid nito na halatang pinipili ang mga gulay. "E I don't like potato kuya Art, can you eat this please?" Mahinang pakiusap ng bata. Busy naman sa pag question and answer ang mga kapatid, daddy niya at si Roan. Di na naman kinakailangan na suboan ang mga bata kaya may kanya kanyang pinggan na ang mga ito. Napansin niyang mababait, magagalang at masinop sa gamit ang mga bata, maging sa pagkain ng mga ito ay di mo iisipin na bata ang gumamit ng pinggan. Nakagilid ang mga gulay ni Orion at halos paubos na ang kanin ng bata. "Busog na ako Orion, I'm sorry." Sagot naman ni Artemis. "Sabi kasi ni Mommy bawal magsayang ng food kasi maraming nagugutom na bata sa mundo." Bulong ni Orion, nagulat pa siya nang kunin ni Apollo ang dalawang hiwa. "I help you na, kainin mo na yang dalawang hiwa." Sabi nito sa kapatid, at kahit ayaw nito sa gulay ay wala naman itong nagawa pa kundi ang kainin ang natirang dalawang hiwa. Halata ang pagmamahalan ng mga bata sa isat isa at mukhang napalaki ang mga ito ng tama ng babae. Tahimik lang siya at nakikinig sa mga naging pag uusap ng mga ito, natanong na din ng kakambal niyang tsismoso ang babae about sa pagiging flight attendant nito. Wala siyang plano na magtanong man lang sa babae, nabubwesit parin kasi siya lalo na pag naaalala niya ang tungkol kay Yaya, alam naman niyang walang alam ang babae sa sitwasyon ng Daddy niya. Masasabi niyang edukada naman ang babae ang di niya lang maintindihan ay kung bakit nito kinakailangan na pumatol sa ama nila na parang ama na nito ang edad. Di man lang ba ito napagsabihan ng mga magulang nito. "Matagal na po kaming ulila." Sagot nito sa Kuya niya. "Ang awkward naman, wag mo na akong i po." Sabi nito sa kuya niya. Kanina pa niya napupuna ang tila discomfort nito lalo na sa tuwing magagawi ang tingin nito sa kanya. "Ay sorry." Sabi pa nito na ngumiti ng mapait. Natapos ang hapunan na parang di naman siya kumain ng maayos, awkward lalo na palakain talaga siya. "Masyadong halata ka." Bulong ni Zeus sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya dito. "Halata kang ayaw mo dun sa tao, sa tagal ng paghahanap mo sa kanya akalain mo yun magiging step mother mo pa pala." Pang aasar sa kanya ng Kuya Zorrenn niya. Nakita na noon ng mga kapatid niya ang larawan ng babae, ninakawan niya ito ng larawan noon kaya kilala ng mga Kapatid niya ang babae. Alam niyang nagulat din ang mga ito kanina pagkakita sa babae, sino ba naman ang di magugulat lalo na pag maisip na tatlong bata na ang iniluwal nito gayung di man lang kababakasan ng pagiging ina ang katawan nito. "Yaya is pregnant." Sabi niya sa mga ito. "Yeah." "Yeah." halos sabay na sagot ng dalawa sa kanya. "Alam nyo na? Bakit di kayo gumawa ng paraan para di matuloy ang kasal ni Daddy?" Tanong niya sa dalawa. "Matanda na sila para magdesisyon sa kanilang mga sarili, ayaw ko na mangialam sa desisyon ni Daddy." Sagot ng Kuya niya. "For me naman ayaw ko din na pang himasukan ang mga desisyon ni Daddy. Besides alam na naman niya ang sitwasyon ni Yaya, nagtataka din ako kasi knowing Dad, ayaw na ayaw niyang may naaagrabyadong babae. Kaya napapaisip din ako baka may mabigat na rason si Daddy sa lahat ng ito." Sabi naman ni Zeus. Di niya din naman inaalis ang ibang posibilidad, oo matagal na sa kanila si Yaya pero di naman nila talaga ito kilala ng lubosan. Kung may nakakakilala dito, iyon ay ang kanilang ama na siyang nakakasama nito palagi. Maaring may ibang lalaking involved kaya ganun nalang ang pagtanggi ng Daddy nila to the point na magpapakasal pa ito sa iba. "Try kaya natin na bayaran si Roan." Sabi pa niya sa dalawa niyang kapatid. Tila nag iisip pa ang mga ito sa kanyang sinabi, di naman niya gusto na umabot sa ganun ang lahat pero ang inaalala niya ay baka mahuli na ang lahat. Paano kung ang pera lang din ng Daddy nila ang pakay ni Roan? Tapos pag wala ng pakinabang ay iiwanan lang din nito. "Ang lupit mo namang mag isip ng paraan." Natatawang sabi pa ng kuya niya. "At least we do something, kaysa naman wala tayong gawin diba?" Sabi pa niya sa dalawa. "Hayaan nalang natin si Daddy sa mga desisyon niya. Matanda na siya hayaan nalang natin na sumaya siya." Sabi ng kuya niya. Naiisip palang niya na ginagalaw ng daddy niya ang babae ay parang gusto niya ng magwala. Alam naman niyang may mga bagay at pangyayari na di niya kontrolado pero di niya talaga masisikmura na ang babaeng type na type niya ay kahalikan ng Daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD